Tuesday, December 22, 2020

Masamang Pag-uugali ni Jonel Nuezca at Misis Nito, Isinalaysay ng Kanilang Kamag-anak!


Pamilya na mismo ng misis ng suspek na si Jonel Nuezca, ang pulis na bumaril sa mag-inang Gregorio, ang nagsabi na hindi kaaya-aya ang pag-uugali ni Nuezca at ng misis nito na maging sila ay hindi rin nito kasundo.

Sa mga ibinahaging salaysay ni Dennis Lamorena sa programa ni Raffy Tulfo, isinaad nito na maging sila umano ay saksi sa kasamaan ng ugali ng pamilya ng suspek. Pamangkin ni Lamoren ang misis ni Nuezca na umano’y kasing-ugali din ng suspek na pulis.

Ayon dito, maging sila ay nagtataka din umano kung paanong nakakalabas pa rin sa kulungan si Nuezca sa kabila ng mga nababalitaan nilang kaso nito na pagpatay ng tao na makikita sa mga isinapublikong rekord nito.

“Nabalitaan lang po namin, Sir, na may pinatay siya ulit pero hindi namin tinanong kung saan po, Sir…  kung sino basta nabalitaan lang namin. Hindi nalang kami umiimik, Sir…

“Iyon nga ang ipinagtataka namin. Nagulat kami ba’t nakakalabas siya, nakapatay na siya. Ba’t nakakalabas pa rin siya sa kulungan? Kaya alam namin na-dismiss ‘yung kaso kasi nasa labas siya, eh,” pagbabahagi pa ni Lamorena.

Base sa mga lumabas na datos, maliban sa nakunang video ng pamamaril nito sa mag-inang Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio sa Tarlac na agad kumitil sa buhay ng mga biktima sa harap mismo ng kanilang pamilya, nagkaroon na ito dati ng mga kasong pagpatay din ngunit nadi-dismiss umano dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.


Ayon kay Lamorena, kahit kamag-anak nila ang misis ng suspek ay malapit umano sa kanila ang pamilya Gregorio kaya isa umano sila sa mga agad komondena at naglabas ng galit sa mag-asawa lalo na sa misis ng pulis na pamangkin nito. Ani pa nito,

“Ako ‘yung isang nagsisigaw-sigaw dun noon sa tapat ng bahay mismo nung asawa ng pulis dahil sobrang sama ng loob ko dahil malapit nga po sa amin ‘yung family Gregorio… sinisigaw ko na ‘yung asawa niya na ‘mamamatay tao na’ kasi po, pinuntahan ko na po sila sa bahay nila, eh.”

Naibahagi din nito na maging ang biyenan ng pulis ay hindi nito kasundo at madalas ay nakaka-away ng mag-asawa. Sa bawat alitan na nasasangkutan ng kanilang pamilya ay magkasama raw palagi ang mga ito na sumusugod at marahil ay dahil umano sa mga naririnig ng kanilang anak sa kanilang bahay kaya naging ganoon na rin ang pag-uugali nito.

“Mahilig silang magpa-barangay, sir Raffy. Halos laman sila ng logbook ng barangay tapos si ate Sonya pinapa-barangay nila. Uma-attend si ate Sonya ng ano sa barangay pero sila, hindi uma-attend…,” ani pa ulit nito.

Kunting ingay lamang umano sa kanilang kapitbahay ay agad na nagpapa barangay ang mag-asawa. Samantala, ang marahil ay puno’t dulo talaga umano ng alitan ni Nuezca sa mga biktima ay dahil sa pagkatalo ng suspek sa kasong inihain nila laban kay Sonya sa korte tungkol sa usapin sa lupa. 

“Siguro, Sir, ‘yun po ang puno’t ulo dahil natalo sila doon sa ifinile nilang estafa kay ate Sonya,” muling pagbabahagi pa ni Lamorena.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment