Monday, December 21, 2020

Mystica, Sang-ayon Umano sa Ginawa ng Pulis na Pumatay sa Mag-ina sa Tarlac!


Gaya ng ilang mga personalidad, naghayag din ang kontrobersyal na si Mystica ng kanyang sariling saloobin at opinyon tungkol sa ginawang krimen ng isang pulis na pagpatay sa mag-inang Gregorio sa Tarlac.

Ngunit, hindi gaya ng saloobin ng publiko, umani ng pambabatikos mula sa mga ito si Mystica dahil ayon dito ay naniniwala umano siya na tama ang ginawa ng pulis na si Jonel Nuezca at ginawa lamang umano nito ang kanyang tungkulin. Ani pa nito, talagang naging ‘pasaway’ umano ang mga biktimang sina Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio kaya nabaril ang mga ito ni Nuezca.

“Base kung ano ‘yung nakita ko diyan, puro sila against doon sa ginawa nga ng pulis. Well, noong tiningan ko naman, saan nag-ugat… well. At talagang tiningnan ko talaga kung ano ang pangyayari, eh talagang mga pasaway nga naman kasi ‘yung mag-lola,” saad pa nito.

“Lalong-lalo na noong lumpait ang anak at sinabi na, ‘My father is a policeman’. So meaning to say, mas alam ng bata na dapat igalang ang pulis. Atsaka isa pa, ang pulis… peace and order ang kanyang ginagampanang trabaho…

“Kaya first of all, ano bang ginawa nila? ‘Yung pagpaputok ng nakaka-ano sa ibang mga tao. Ofcourse, kahit ako, kung sakaling may nagpaputok at ako ay naabala, hindi man ako pulis but I have to go to the policeman,” dagdag ani pa nito.

Samantala, kung para sa publiko ay maldita at walang disiplina ang anak ng pulis na makikitang sumasagot-sagot kay Sonya sa video, para kay Mystica ay pinalaki lamang umano ang naturang bata para gumalang sa isang pulis kaya natural daw ang naging reaksyon nito.

Paggigiit pa ulit ni Mystica, kung siya man umano ang nasa lugar ng pulis, gagawin din umano nito ang ginawa ni Nuezca dahil ayaw niya na mapahiya at mawala ang dignidad nito bilang isang pulis. Ani pa nito,


“Hayaan ko nalang ba na babastusin ‘yung trabaho ko? Babastusin ‘yung ginagampanan kong katungkulan bilang pulis? At hahayaan ko nalang na imanipulate ako nitong maglolang ito na wala silang pakialam?

“Well if I would be the policeman as well, hindi na baleng ako’y makulong. Ayaw ko lang na mapahiya at mawalan ng dignidad ‘yung trabaho ko bilang pulis na nagme-maintain ng peace and order. Sa pamamagitan ng ginawa niya, kung ‘yon nalang ang way para mapatahimik ‘yung mag-lola, then he did his thing.”

Dahil sa mga baluktot na pahayag na ito ni Mystica kaya hindi napigilan ng mga netizen magreact at batikusin ito sa kanyang mga sinabi. Bwelta pa nga rito ng ilang mga netizen, kung dignidad lang naman umano ang pag-uusapan, wala umano noon si Mystica kaya anumang sabihin nito ay hindi na raw kapani-paniwala at walang mabigat na kabuluhan.

Ani naman ng ilan, kahit mali ay mukhang nagpapasikat na lamang umano si Mystica upang mapansin ng mga tao. Hindi umano nila alam kung paano raw nasasabi ni Mystica ang ganoong mga bagay.

“Ginagampanan ang katungkulan, binabastos? Huh, Mystica? Out of duty, mang-aaresto kasi naiingayan siya? Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang… Gusto mo lang din sumipsip at magpakitang gilas na isa kang certified na DDS kahit wala na sa lugar,” ani pa nga rito ng isang netizen.


Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment