Monday, December 21, 2020

Pulis Mula Catanduanes na Iginiit ang Respeto sa mga Kapulisan, Wala raw Masamang Intensyon; Mayor ng Bato sa Catanduanes, Kinondena ang Pulis


Iginiit pa rin ng nagviral na si PCapt. Ariel Buraga, hepe ng Bato Municipal Police Station sa Catanduanes, na dapat ay magkaroon ng respeto sa kapulisan ang publiko kahit na ang mga matatanda matapos na mapanood nito ang viral video ng pamamaril ng kapwa niya pulis sa mag-inang Gregorio.

Unang nagviral si Buraga matapos itong maglabas ng pahayag na animo’y sinisisi pa ang mag-inang Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio kung bakit nabaril at napatay ang mga ito ng pulis na si Jonel Nuezca. Sa kanyang viral Facebook post, isinaad nito na ang nangyari ay isa umanong aral na kahit maputi na ang buhok ay dapat na rumespeto pa rin sa kapulisan.

Dahil naman dito kaya nakatanggap ng kali-kaliwang pambabatikos si Buraga mula sa galit na galit na publiko na napanood din ang krimen ni Nuezca. Hindi makapaniwala ang mga ito sa isinaad ni Buraga kahit malinaw na nasa kapwa nito pulis ang mali.

Ngunit, nang magpaunlak ng panayam si Buraga, muli nitong iginiit na importante umano ang pagrespeto sa kanilang mga kapulisan. Bagama’t mali umano doon ang pulis at maging ito ay napamura pa noong unang mapanood ang viral video, hindi raw umano sana mababaril ang mga biktima kung mayroon lamang respeto ang mga ito kay Nuezca.

“Nung inulit ko ‘yung video, doon ko na siya parang na-gets na ‘yung istorya nung sa video na ‘yun. Doon ko nga nakita na hindi sana mati-trigger kumbaga ‘yung ano ng pulis ‘dun kung di dahil sa kawalang respeto na rin nung matanda ‘dun…


“Pero hindi ko sinasabi o kinakampihan na tama ‘yung ginawa, mali ang ginawa ng pulis doon sa pagpatay. Maling-mali talaga ‘yun. Ang pino-point out ko lang naman dito is yung sabi ko na sana kahit na may edad na ‘yung isang tao eh dapat talaga magkaroon pa rin siya ng respeto sa ating mga kapulisan,” giit pa ulit ni Buraga.

Hindi umano nito inasahan na negatibo ang magiging pagtanggap ng mga netizen sa ibinahagi niyang Facebook post dahil wala naman umano siyang masamang intensyon dito at nais lamang na maipaabot ang kahalagahan ng respeto sa kanilang kapulisan.

Dahil naman sa mga negatibong komentong ito ng publiko kaya binura na ni Buraga ang natura niyang Facebook post. Ngunit, nakatanggap din umano siya ng tawag mula sa kanilang Provincial Director at pinagpapaliwanag siya tungkol dito. Handa naman umano siyang sagutin ito dahil iginigiit niya na hindi negatibo ang kanyang nais ihayag dito.

Samantala, naalarma naman sa pahayag na ito ni Buraga ang alkalde ng sa Catanduanes kaya naglabas ito ng opisyal na pahayag kung saan, inirekomenda ni Mayor Juan Rodulfo na mag-assign ng bagong hepe sa kanilang munisipalidad dahil sa kwestiyonable umanong katapatan ni Buraga.

“Much as we respect his right to publicly pronounce his personal opinion regarding the killings, he should have exercised restraint and prudence in doing so considering that he is the Chief-Of-Police in this LGU…


“In this regard, we will highly appreciate it if the PNP could assign another Chief-Of-Police in this municipality to assuage the fears of the constituents of this LGU of a seemingly biased Chief-Of-Police…,” bahagi pa ng pahayag ni Mayor Rodulfo.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment