Wednesday, December 2, 2020

Netizen, Nagbigay Babala Tungkol sa mga Prutas na Tinuturukan Daw Para Tumamis


Isang babala ang inihayag ng isang netizen tungkol umano sa mga prutas na madalas na nabibili sa mga malalaking pamilihan. Ayon sa netizen, ang kakaibang tamis daw na lasa ng mga prutas na ito ay dahil sa itinuturok ditong asukal na masama lalo na sa mga bata.

Hindi na bago para sa mga mamimili lalo na sa mga malaking tindahan gaya ng grocery stores o supermarket ang mga prutas na mayroong maliit na tatak na nakadikit. 

Ngunit, ang hindi umano alam ng mga ito ay mayroong itinatago sa likod ng mga tatak o sticker na nakadikit sa mga prutas na ito. Maliban sa paglalagay ng brand, ang naturang sticker umano ay pantakip din sa maliit na butas sa prutas na siyang resulta ng pagtuturok dito ng asukal para magkaroon ng kakaibang tamis.

Ito ang inilahad ng netizen na si Geofrey Perez sa pamamagitan ng isang Facebook post. Ayon sa netizen, magugulat umano ang mga tao kapag binuksan ang tinatakpan ng naturang sticker dahil mayroon ditong maliit na butas.

Ito umano ang dapat na obserbahan ng mga mamimili bilang pag-iingat na rin dahil, maaaring masama para sa kalusugan ang ini-inject sa naturang mga prutas. Ang naturang mga prutas na tinuturukan ng asukal ay nadiskure umano nito nang bumili siya ng ubas at mansanas.

Ani pa nito, tinapon na raw nito ang iba sa takot na makain at makasama ito sa mga bata na kakain nito. Pagbabahagi pa nga nito sa kanyang Facebook post,

“Ingat sa mga ilang prutas na nabibili sa labas like grapes and apples. Hindi ba kayo nagtataka iba ang tamis niya at mura. Ang ilan ay ini-injectionan ng asukal para tumamis…


“Be aware lalo na ‘yung apples, try niyong tanggalin yung brand/sticker na nakadikit. Magugulat kayo may butas na tinurukan ng injection pampatamis. It's yours to observe. I forgot to attach pictures of apples… will try to add later. Tinapon ko na at baka makain pa ng mga bata.”


Dahil sa post na ito kaya nabahala ang ilang mga netizen na bagama’t madalas kumain ng binibiling prutas ay hindi naman chine-check ang tungkol sa sinasabi ritong butas. Magandang paalala umano ito para mag-ingat ang mga tao sa pagbili at pagkain nila ng naturang mga prutas.

Gayunpaman, hindi naman umano sinisiraan ng nasabing netizen ang mga nagbebenta ng mga prutas na ito lalo na ng mga ubas at mansanas. Paalala lamang umano ito at pag-iingat kung sakaling totoo nga na mayroong itinurok sa naturang mga prutas.

Bagama’t mayroong iba na naniniwala, mayroon ding iilan na hindi naniniwala sa nadiskubreng ito ng naturang netizen. Ayon dito, mukhang imposible umano na turukan isa-isa ang naturang mga ubas dahil sa liit ng mga ito at natural lamang naman umano sa mga prutas na ito ang magkaroon ng mala-dimple na butas.


“Natural lang na merong parang dimple o butas ‘yung mismong dulo ng ubas. ‘Yung unang pic siguro pwede pa. Pero, sinong masipag ineksyonan bawat isang ubas makapanloko lang. It's not worth it and sayang oras ng manloloko. Pasintabi po, pero ginagawang mangmang ng post na ito ang mga tao,” saad pa nito.


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment