Wednesday, December 2, 2020

Nikki Valdez, Hindi Inurongan ang Isang Basher: “Nakakaawa ka sa totoo lang!”


Nakiisa din ang aktres na si Nikki Vadez sa pagkalampag na nangyari sa social media dahil sa sunod-sunod na sakuna na nangyari sa bansa gaya na lamang ng mga bagyo at pagbaha. 

Sa Twitter ay naging bukas si Valdez sa usapang ito at sa pakikiisa na humingi ng tulong para masalba ang mga Pilipino na nastranded sa nangyaring malawakang pagbaha sa Isabela at Cagayan. 

Dito ay kinondena din ng aktres ang kawalan ng sapat na balita at update sa nangyari kaya nabanggit nito ang pagkakatanggal ng prangkisa ng ABS-CBN. Pinaringgan dito ng aktes ang 70 congressman na hindi raw inaprubahan ang prangkisa ng TV network na nagresulta na ngayon sa pagkawala ng buhay dahil sa kawalan ng report.

“To the 70 congressmen who killed ABS-CBN’s franchise, how does it feel to see people die? This is why we need news and updates!! Kailangan buhay ang kapalit para sa kasakiman niyo?” saad pa rito ni Valdez.

Dahil sa pahayag niyang ito kaya ilang mga basher ang umatake sa aktres na hindi sang-ayon sa kanyang naging pahayag. Ani ng ilan sa mga ito, bakit daw ipinipilit ng aktres na isingit ang kanyang TV network sa sitwasyon.

Samantala, isa sa mga basher na ito ang sinabihan si Valdez na ‘tanga’ dahil daw sa inilabas nitong pahayag. Ani pa rito ng naturang basher,

“‘Yung pagiging tanga mo ba, hereditary o due to substance abuse?”


Hindi naman nagpatinag dito ang aktres at kalmadong sinagot ang naturang basher. Hindi niya ito pinalampas kaya isang simple ngunit direktang sagot ang kanyang isinaad dito. Ani pa rito ni Valdez,

“I feel terribly sorry for this person. The way he maligns others just to prove a point… Nakakaawa ka sa totoo lang!”

Maliban sa sagot na ito ni Valdez ay ilang mga netizens din ang ipinagtanggol ang aktres mula sa isinaad ng naturang basher. Hindi nagustuhan ng mga ito ang naturang pambabatikos kaya inulan din nila ito ng mga negatibong pahayag.

Tinumbok ng mga netizens na ito ang walang kabuluhan daw na pambabatikos ng naturang netizen na ayon pa sa iba ay mayroon umanong nagdidikta.

Heto ang ilan sa mga naging saad at pagtatanggol na ito ng mga netizen:

“Don’t tweet kung alam mo walang point ang sinasabi mo… But if you have, make it clear hindi yung lowblow na banat. Kasi in the end, ikaw ang nagiging EWAN.”

“Typical na DDS!!! ‘Yung mismong tweet niya walang sense… pabobo na ng pabobo ang mga yan. Tingnan mo tweet niyan bukas, focus pa rin sa paninira kay vice Leni.”

“Grabe talaga sya. May nagbulong kasi d’yan kaya ganyan. ‘Yung taong busy at di magkandaugaga dapat tulungan niya or kahit wag na nga purihin dahil ayaw niya ‘yun eh pero wag niya bastusin!”


“Hayaan niyo nalang po, maam Nikki. Atleast ikaw mabuti ang puso mo. Pinagpala ni God ang katulad mong mabuti.”

Sa ngayon ay regular na napapanood si Valdez sa Kapamilya serye na ‘Bagong Umga’ na pinagbibidahan nina Heaven Peralejo, Michelle Vito, Tony Labrusca, Barbie Imperial, Kiko Estrada, at Yves Flores.

Source: INQUIRER

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment