Tinawanan lamang ng aktor na si Zanjoe Marudo ang fake news na kumakalat ngayon sa social media tungkol sa umano’y relasyon at pagkakabuntis niya sa aktres at mabuti nitong kaibigan na si Angelica Panganiban.
Sa isang vlog na ibinahagi ng aktor kung saan nakasama nito ang kaibigan niyang si Hyubs Azarcon, isa sa kanilang mga napag-usapan ay ang tungkol nga sa kumakalat na fake news tungkol sa kanila ni Angelica na pilit silang iniuugnay.
Ayon sa naturang isyu, nagkakamabutihan na umano sina Zanjoe at Angelica at nagbunga pa nga umano sa pagbubuntis ngayon ng aktres. Sa vlog, nagtataka umano si Zanjoe kung paano umano nakaka-imbento ng ganoong isyu ngayon lalo na sa YouTube.
Natatawang ani pa nga ni Zanjoe, sana nga raw ay totoo na lamang ang naturang balita lalo na’t gusto na rin niya naman umano na magkaanak. Ngunit, paglilinaw nito, walang katotohanan ang naturang mga balita at mabuting magkaibigan lamang talaga sila ni Angelica.
“Gusto ko nga totoo na lang,” natatawang saad pa nga ni Zanjoe tungkol dito.
“Para sa mga umaasa, sa mga naniniwala… lilinawin ko na po. Wala! Wala pong katotohanan ‘yun. Mabuti lang kaming magkaibigan talaga,” paliwanag pa ulit ni Zanjoe.
Dagdag ani naman ni Hyubs sa pahayag ng kaibigan, baka nami-misinterpret lang daw ng mga tao ang pagkakaibigan nina Zanjoe at Angelica kaya mayroong lumalabas na ganoong mga isyu. Ani pa nito, bagama’t walang katotohanan ang balita tungkol kina Zanjoe at Angelica, alam ni Hyubs na gustong-gusto na rin naman umano ni Zanjoe ang magkaanak ngunit, wala lang talagang katotohanan na nabuntis nito ang aktres.
Nagsimula ang balita o isyung ito ng pagkakamabutihan umano nina Angelica at Zanjoe nang magbahagi ang beteranang kolumnista na si Lolit Solis ng pahayag sa Instagram tungkol nga raw sa nabubuong relasyon ng dalawa.
Dito, ayon kay Lolit ay mayroon umanong nadedevelop na pagkakamabutihan sa dalawa dahil nga magkatrabaho ang mga ito at madalas na magkasama. Ani pa nito, panahon na rin daw umano upang magkroon ng bagong karelasyon si Angelica at mukhang maayos naman umano kung si Zanjoe nga ang maging bago nitong karelasyon.
“Wow Salve ha, meron pala na develop kay Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban dahil sa lock in. Siguro nga dahil halos magkasama kayo sa loob ng 2 linggo or more, you get to know iyon mga kasama mo sa close range. At dahil hindi kayo nagmamadali sa pag uwi dahil isang lugar kayo naka lock in, mas malalim nagiging usapan nyo, mas may interaction.
“Maganda naman tignan together sila Zanjoe at Angelica, at kung swak ugali nila, iyon na, puwede ng magtagal ang kanilang relasyon. About time na nga siguro magkaruon ng lovelife si Angelica para hindi kung anuanong issues ang sinasalihan, at mukhang kalmado naman BF si Zanjoe kung sakali para maging good influence sa kanya.
“New romance, give it a good try, sana yumabong at lumago, para magtagal. Ang relasyon parang halaman, dapat inaalagaan, kundi, madaling mamatay,” saad pa nga ni Lolit sa kanyang IG post.
Source: showbizflash
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment