Friday, January 1, 2021

Babae, Umalma Matapos Kuning Ninang Para Lang Magsponsor ng Worth P5k na Cake sa Binyag!

“Bakit parang kasalanan ko pa?”

Ito na lamang ang naitanong ng netizen na si Angel matapos na hindi ito pumayag sa hinihinging pabor ng kanyang kumare na kinuha siyang ninang sa binyag ng anak nito.

Ayon kasi sa ibinahaging viral Facebook post ni Angel, maliban sa siya na ang pinagbabayad nito para sa simbahan kung saan gaganapin ang binyag ng anak ng kanyang kumare, pinipilit pa siya nito na magbigay o magsponsor umano ng 3-layer na cake at cupcake.

“Marzz… Kukunin sana kitang ninang ng anak ko. Kukunin ko bap. mo atsaka bayad na 800, ah? Bayad sa simbahan ‘yun, Marz.

“Tsaka, Marz, pwede favor? Pwedeng ikaw na sumagot ng cake ni Ening, 3 layer ng fondant tapos 24 ng cupcake,” ani pa nito kay Angel.

Hindi naman napigilan ng netizen na magulat sa hinihinging ito sa kanya ng kumare. Ngunit, maayos niya itong tinanggihan dahil ayon kay Angel, masyadong mahal ang tatlong layer na hinihingi nitong cake na maaaring umabot ng Php5,000 ang presyo.

Dagdag paliwanang pa nito sa kanyang kumare, marami pa raw silang babayaran ngayon lalo na’t magpapasko at kaka-birthday lang din ng kanyang anak. Saad pa nga rito ni Angel,

“Naku, Mars, sensya na ha. Parang di ko kere kasi madami pa kami bayadin ngayon tapos magpapasko pa. At katatapos lang din ng birthday ni baby eh 1 layer nga lang cake nun, 3,000 na hehe…

“Bawi na lang ako sa susunod ‘pag super stable na kami.”

Ngunit, humirit pa ulit ang kumareng ito ni Angel at sinabing maliit lang naman umano para rito ang Php5,000 lalo na’t seaman naman umano ang trabaho ng asawa nito. Muli pa nitong pinilit si Angel na sagutin ang cake sa binyag ng anak ngunit, hindi nagpadala rito ang netizen.

Ani dito ni Angel, porke’t seaman umano ang trabaho ng kanyang asawa ay hindi ibig sabihin na marami na silang pera. Patuloy niya pa rin itong tinanggihan sa hinihingi nitong cake para daw sa binyag ng anak.

Ngunit, imbes na mainitindihan ang paliwanag ni Angel, mukhang ang kanyang kumare pa ang nadismaya rito at sinabing akala raw nito ay galante si Angel. Dagdag ani pa nito, iba na lamang daw ang kanyang kukuning ninang dahil baka may ‘mahita’ raw siya roon.

Kaya naman, ganun na lamang ang naging reaksyon ni Angel sa ginawang ito sa kanyang kumare. Maging ang maraming mga netizen ay hindi rin makapaniwala sa ginawang ito kay Angel ng kanyang kumare.

Ani ng mga ito, kung hindi naman pala nito kayang magkaroon ng malaking handaan sa binyag ay ‘wag na lamang sana itong ipilit at mandamay pa ng ibang tao. Hindi umano ibig sabihin na ninang ay pwede nang makahingi lamang dito ng kahit ano.

Dagdag saad pa nga ng ilang mga netizen,

“Grabe ha. Di na nahiya! Kung ako, hindi ako magni-ninang diyan. Atsaka, sila magbabayad sa simbahan hindi ikaw!”

“Nakakainis ‘to, di ko mapigilan di mag comment. ‘Pag walang panghanda, ‘wag magpabinyag. May masabI lang! Grabe akala pinupulot ang pera! Hirap hirap magtrabaho.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment