Bagama’t hindi kailanman inamin ng magkarelasyong sina Janella Salvador at Markus Paterson o ng sinuman sa kanilang panig ang tungkol sa kumalat na balitang pagbubuntis at panganganak ng aktres, sapat na ang hindi diretsang pahayag ng ilang mga celebrity at ilang mga kumalat na larawan para kumpirmahin ang balitang ito.
Kaya naman, sa isa na namang larawan ni Janella na ibinahagi ng kanyang ina na si Jenine Desiderio, hindi nakaligtas sa mga netizen ang isang maliit na detalyeng nakunan din sa naturang larawan.
Sa naturang larawan, makikita sa unahan ni Janella ang kanyang nakababatang kapatid ngunit, napansin ng mga netizen ang animo’y baby stroller sa likod nito na maaaring hawak ni Janella.
Bagama’t agad na binura ni Jenine ang naturang larawan matapos marahil mapansin ang agad na tinukoy ng mga netizen, nakunan na ito ng larawan ng ilang mga netizen at pages kaya mayroon pa ring kopya ng larawan na kumakalat sa social media.
Isa lamang umano ito sa maraming mga patunay na nanganak na nga si Janella sa England. Gayunpaman, kahit hindi ito kinukumpirma ng 22 taong gulang na aktres, masaya para rito ang maraming netizens at kanyang mga tagahanga lalo na’t nakikita nila na masaya si Janella at mahal na mahal ito ni Markus.
Samantala, sa Instagram ay nagbahagi kamakailan lang si Janella ng isang video kung saan, makikita ito kasama si Markus. Marami naman ang natuwa sa ibinahaging ito ni Janella na kinilig sa kanilang dalawa ni Markus.
“...an extra special christmas of many firsts. HAPPY Holidays, everybody,” ani pa rito ni Janella.
Ngunit, maliban sa mga positibong komento na ibinahagi ng mga netizen, mayroong iilan na mayroong napansin kay Janella. Ani ng mga ito, mukhang ‘hiyang’ umano sa aktres ang bansang England dahil ‘malusog’ ito ngayon. Ani pa nga ng mga ito tungkol dito,
“Hiyang sya sa England malusog sya.”
“nakakahiyang ang lamig, nakakalakas kumain.”
Hindi naging magnda ang dating ng mga komentong ito para sa maraming mga fans ni Janella na umano’y pambo-bodyshame sa aktres. Kaya naman, ipinagtanggol ng mga ito si Janella laban sa mga ito na walang ibang napansin kundi sitahin ang timbang ng aktres.
Kaugnay nito, mukhang si Janella mismo ay napansin din ang iniwang komento ng naturang mga netizen na hindi naging positibo ang reaksyon sa kanyang ibinahaging Instagram post. Kaya naman, sa Twitter ay naglabas ng kanyang saloobin si Janella tungkol sa pagiging magaling umano ng mga Pilipino sa ‘bodyshaming’.
“Filipinos are the worst body shamers. Let me enjoy my christmas pudding in peace. Happy holidays to you too!” ani pa rito ni Janella.
Marami naman ang sumang-ayon sa ibinahaging opinyon na ito ni Janella lalo na ang kanyang mga tagasuporta. Ani ng mga ito, imbes na punahin ang timbang ng aktres, sana ay maging masaya na lamang ang mga ito para kay Janella dahil kitang masaya ngayon ang aktres sa England at kay Markus.
“I strongly agree with her. I am once a victim of body shaming with my Filipino friends. Hey, Pinoys wake up, don’t be mad at her. She is just saying the truth. Anyway, truth hurts,” pagsang-ayon pa nga rito ng isang netizen.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment