Wednesday, January 27, 2021

‘Classmate ko ang Anak ko’; Netizen, Ipinagmalaki ang Kanyang Pagtatapos sa Kabila ng Kanyang Edad at Mga Pagsubok


Trending at inspirasyon ngayon sa marami ang ibinahaging kwento ng netizen na si Ira Lectana Baldonaza tungkol sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo sa kabila ng mga pagsubok na kanyang pinagdaanan. Sa edad na 40, masasabi na sa wakas ni Ira na nakapagtapos na ito ng kolehiyo.

Hindi naging madali ang desisyon ng netizen na muling mag-aral lalo na’t 36 taong gulang na siya nang pumasok sa kolehiyo. Gayunpaman, kinaya itong lahat ni Ira sa kabila ng mga negatibong sinasabi sa kanya ng iba.

“It started when I decided to continue my studies despite of my age, 36 at that time. Many people criticized me… sinasabing "bakit pa ako nag aaral ang tanda ko na".. I believe that learning is a lifelong process and I really have the determination to pursue my dreams,” pagbabahagi pa nito.

Ngunit, kung kailan maayos na ang lahat at nalalapit na ang kanyang pagtatapos, paparating pa lamang pala ang isa pang pagsubok para sa netizen. Nasa ikaapat na taon na ito sa kolehiyo nang ito ay magbuntis at manganak. Naisipan na umano nitong tumigil nalang ngunit, dahil sa mga taong patuloy na nagtulak sa kanya upang ipagpatuloy ang pag-aaral, itinuloy ni Ira ang kanyang huling taon sa kolehiyo.

Plano umano nito noon na iwan muna sa bahay ang anak habang siya naman ay nasa paaralan ngunit, hindi pala ito pwede dahil sa kondisyon ng kanyang baby. G6PD positive ang kanyang anak kaya kailangan nitong i-breastfeed at alagaang mabuti.


Mabuti na lamang at nabigyan ng pahintulot ang netizen na isama nito sa paaralan ang kanyang anak habang ito ay nag-aaral. Bagama’t mahirap, sa tulong na rin ng mga kaklase nito at maging kanyang mga professor ay nalampasan ni Ira ang kanyang pag-aaral kasama ang kanyang baby.

“Ok na ang lahat until i got pregnant that time ay 4th yearcollege na ako. I want to give up na but some of good people around me pushed me to continue. 4th year 1st semester i gave birth, thought it will be easy for me to continue kasi iiwan sa bahay si baby while im at school. 


“But it turned out differently for 2 reasons. 1. My baby dont like to be feed on formula milk, totally di sya nag drink kahit gutom na gutom na sya. 2. Her NBS result she is a G6PD positive baby, kaya need lang i breastfeed kasi dami bawal (pls ask google for it). Kaya i have no choice kundi isama sya sa school. 

“I asked the College administrator  if pwde isama anak ko, kasi sa school bawal magdala ng babies but since may G6PD sya pinayagan ako. Mahirap sobra pero kinaya ko. And that starts na naging classmate ko anak ko,” saad pa nito.


Sa mga larawan na kanyang ibinahagi, makikita kung paanong naging malaking tulong para sa netizen ang kanyang mga kaklase at guro na magiliw na kumakarga, tumitingin, nagpapatahan, at nagpapangiti sa kanyang baby. Ani pa nga nito, tuluyan niya na ring naging classmate ang kanyang anak.

Source: pinoytrendingportal


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment