Wala nang ibang nagawa at naiyak na lamang ang mga empleyado ng City Garden Grand Hotel nang mawalan ng trabaho ang mga ito matapos na masuspende ang hotel dahil sa paglabag nito sa strict quarantine protocol.
Ang City Garden Grand Hotel ay ang hotel na pinagdausan ng New Year’s Eve party ng pumanaw na flight attendant na si Christine Dacera at mga kaibigan nito. Sa isang kwarto rin ng naturang hotel natagpuan si Dacera, 23, na wala nang buhay nitong unang araw ng Enero.
Naging kontrobersyal ang kasong ito ng pagpanaw ni Dacera na pinag-usapan ng marami dahil sa umano’y anggulo ng rape-slay na dahilan ng pagpanaw ng flight attendant. Ngunit, sa pagdaan ng mga araw ay lumabas ang maraming mga ebidensya na walang naganap na panggagahasa at natural death ang ikinamatay ng flight attendant.
Kamakailan lang din ay lumabas na ang muling isinagawang medico-legal kay Dacera at isinaad nito na natural death nga ang dahilan ng pagkamatay ng flight attendant at hindi ilegal na droga o ang panggagahasa na ipinipilit sa kaso nito. Sa naunang medico legal na isinagawa rito, pareho rin ang lumabas na dahilan na nagpapatunay na mali ang mga alegasyon na mayroong nangyaring rape-slay.
Samantala, dahil din sa kaso kaya ipinatupad ang suspesyon sa naturang hotel matapos na matuklasan ang ginawa nitong paglabag sa quarantine protocol para sa mga hotel. Dahil sa pandemya, ipinagbabawal na magdaos ng ganitong mga pagdiriwang sa hotel o pampublikong lugar at napatunayan umano na nilabag ito ng City Grand Hotel base sa mga CCTV na kuha habang idinadaos ang party nina Dacera sa hotel.
Dahil sa nangyari ay anim na buwan na suspendido ang operasyon ng hotel. Bilang parusa sa paglabag nila sa protocol, iniutos ng Department of Tourism ang pagpapatigil ng kanilang operasyon at tinanggalan din umano ang hotel ng certification to operate. Pinagbabayad din ito ng halagang Php 10,000 bilang multa sa kanilang paglabag.
Kaya naman, pinakaapektado ngayon ng nangyaring ito sa hotel ay ang mga empleyado na umaasa rito at mayroong binubuhay na mga pamilya. Malaki ang epekto sa mga ito ng biglaang pagkawala ng kanilang trabaho lalo na sa panahon ngayon kung saan, karamihan sa kanila ay mayroong mga pamilya na kailangang suportahan.
Sa isang video nga sa YouTube kung saan mapapanood ang reaksyon ng mga empleyado sa pagkawala ng kanilang trabaho, hindi napigilan ng mga ito na maging emosyonal at maiyak na lamang sa nangyari sa kanila.
Ani ng mga ito, hindi lamang sila ang apektado ng pagkawala o suspensyon na ipinataw sa City Garden Grand Hotel dahil sa pagkawala ng kanilang trabaho ay apektado rin ang kanilang mga pamilyang sinusuportahan lalo na’t sila lamang din ang inaasahan ng mga ito.
Dagdag ani pa nga ng ilan sa mga empleyadong ito, ngayong kakabalik lamang din nila sa operasyon dahil nga sa nangyaring malawakang lockdown, malaking problema ulit sa kanila kung saan kukuha ng pang-araw araw ngayong muli na namang magsasara ang City Garden Grand Hotel.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment