Wednesday, January 27, 2021

Lolit Solis, Ipinagtanggol si Dingdong Dantes Laban sa mga Kumakalat na Akusasyon Dito


Kasabay ng lumabas na balita kamakailan tungkol sa isang blind item kung saan, isang aktor umano ang nakabuntis sa isang kontrobersyal na personalidad, lumabas din ang ilang mga hula kung sino ang mga umano’y tinutukoy rito.

Una nang naging viral na ang mga tinutukoy umano rito ay sina Robin Padilla at Mocha Uson ngunit, agad itong pinabulaanan ng parehong panig. Agad itong itinanggi ng misis ni Robin at nagbigay na rin ng pahayag tungkol dito si Mocha.

Ngunit, maliban sa dalawa ay idinadawit din sa blind item ang aktor na si Dingdong Dantes at ang umano’y nabuntis nito na si Lindsay de Vera. Bagama’t marami ang ipinipilit pa rin ang pangalan ng dalawa sa blind item, marami rin naman ang agad naghayag na hindi umano kapani-paniwala ang bintang sa aktor.

Kabilang na nga sa mga ito ay ang beteranang showbiz columnist at host na si Lolit Solis kung sana, agad nitong ipinagtanggol sa Dindong mula sa alegasyong ito rito. Ayon kay Lolit, idiniin nito na hindi siya naniniwala sa kumakalat na tsismis dahil hindi umano ito kailanman magagawa ng aktor.

Ani nito, kontento at masaya umano ang buhay ngayon ni Dingdong kasama ng misis nito na si Marian Rivera at ng kanilang dalawang anak na si Zia at Ziggy. Saad pa nga ni Lolit,

“Sanga-sanga na mga balita, Salve. Dingdong Dantes / Lindsay de Vera, Robin Padilla / Mocha, ano tutoo, ano fake news? Basta ako ilalaban ko na hindi magagawa ni Dingdong iyon kumakalat na bintang, nuon binata pa siya never nangyari, ngayon pa na sobra ang happiness niya sa kanyang married life at dedication niya as a father sa dalawang anak na sila Zia at Ziggy.”


Dagdag ani pa ni Lolit, maging ang alegasyon umano kay Robin ay agad na rin naman umanong itinanggi ng misis nito na si Mariel Padilla. Tutal umano ay pahirapan naman ngayon ang paglabas sa bansa dahil sa travel ban, hintayin na lamang umano ng marami kung sino ang totoong tinutukoy sa blind item dahil lalabas at lalabas lang din naman umano ito.

“Si Robin Padilla markadong ladies man, pero di ba panay naman ang denial ni Mariel Rodriquez. So bakit hindi na lang natin hintayin ang discovery day dahil hindi naman puwede tumakas at manganak abroad dahil may travel ban….

“Kalokah talaga na nagmamadali ang netizen to find out who , mas excited pa sila kesa sa vaccine ng covid 19,” may pagbibirong ani pa nga ni Lolit tungkol dito.

Dagdag ani niya pa, ayon sa blind item ay limang buwan na umano ang dinadala ng tinutukoy roon na kontribersyal na personalidad kaya konting hintay na lang din naman umano ng kanilang gagawin bago lumabas ang katotohanan.

“Wait lang, 5 months na iyan, malapit na lumabas, konting araw na lang, hintayin na natin ang great reveal, puwede ? Huwag na sino sino pa itinuturo, huwag magmadali,” ani pa nito.


Bagama’t nagsalita na tungkol sa isyu ang mga panig nina Robin at Mocha, sina Dingdong at Lindsay naman ay walang anumang inilalabas na pahayag tungkol sa isyu.

Source: KAMI


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment