Tuesday, January 26, 2021

Ginamit na Band Aid, Nahalo sa Pagkain at Nanguya ng Isang Customer Habang Nasa sa Isang Sikat na Restaurant


Sa Ilo-ilo, isang customer ang nagreklamo matapos na umano’y manguya niya ang isang gamit na band-aid sa inorder nitong beef stew habang kumakain sa isang sikat na buffet restaurant.

Imbes umano ng karne ng baka ang kanyang makain ay naisubo raw nito at nanguya ang isang gamit na band aid nang kumain siya sa nasabing sikat na restaurant nito lamang Sabado, ika-23 ng Enero at bandang 7:30 ng gabi.

Ayon sa naturang customer na kinilalang si Reydan Gadong, agad umano nitong inireklamo sa staff ng restaurat ang nangyari. Tinawag umano nito ang dining manager ng nasabing restaurant at inihayag ang nangyari kung saan, muntik na nitong tuluyang makain ang isang ginamit na band aid. 

Mabuti na lamang at agad din naman umano na pinalitan nito ang kanyang inorder na pagkain ngunit, hindi na ito pinabayaran pa sa kanya.

Dahil sa nangyari, agad umano na magsasagawa ng imbestigasyon ang nasabing sikat na buffet restaurant upang matukoy kung saan nanggaling at paano napunta sa pagkain ng customer na si Reydan ang sinasabi nitong gamit na band aid.

Wala umano munang inilabas na opisyal na pahayag ang nasabing restaurant s anangyari at marahil ay nakatuon muna ang mga ito sa imbestigasyon.

Gayunpaman, sa kabila ng pahayag ng restaurant na agad silang gagawa ng aksyon tungkol sa nangyari, plano umano ng customer na si Reydan na magsampa ng kaso sa naturang buffet restaurant dahil sa nangyaring ito.


Dagdag saad pa raw nito, dahil sa nangyari ay hindi raw muna ito maayos na nakakain dahil ‘traumatic’ daw para sa kanya ang nangyaring muntik niyang pagkain sa isang gamit na band aid na nahalo sa paborito pa nitong ulam na beef stew.

Halo-halo naman ang naging reaksyon ng marami tungkol sa ulat na ito. Ayon sa ilan, baka raw mayroong isa sa mga staff sa kusina ng restaurant na nagsuot ng band aid kaya aksidenteng nahalo ito sa pagkain ng kanilang customer.

Baka rin daw isa sa mga waiter ang mayroong suot na band aid at dito nanggaling ang gamit muntik na makaing band aid ni Reydan.

Ngunit, mayroon ding ilan anngsasabing huwag umano agad isisi sa restuarant at mga staff nito ang nangyari. Ang nasabing restaurant ay isang sikat an buffet restaurant kaya hindi malayo na baka galing lang din umano sa ibang customer ang naturang gamit an band aid na aksidenteng nahulog sa pagkain.

Heto nga ang ilan sa mga isinaad na reaksyon ng ilang mga netizen tungkol sa nangyari:

“Iba-iba ang mga customer na sumasandok sa mga serving dish. Posibleng doon din sa mga customer galing ‘yung band aid…”

“Baka gimik para makapanira at magpabayad sa may ari ng restaurant at malibre na ang kinain.”


“Ay baka may sugat itong kitchen staff na ‘to kaya may suot siyang band aid. Kapag lagi na kasing nababasa ‘yun, nawawala sa dikit. Baka di n’ya napansin nung naghanda s’ya ng food na nalaglag ‘yung band aid nya.”

“Ang nakapagtataka, paanong di n’ya nakita ‘yung band aid sa kutsara or sa mangkok na sabaw bago sya kumain. Medyo wierd ah.”

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment