Trending nitong Martes, ika-26 ng Enero, sa Twitter ang aktres na si Liza Soberano matapos na dalawang aktor mula Thailand ang nadagdag na naman sa mga tagahanga ng aktres.
Ito ay matapos na magbahagi ng isang tweet ang Thai actor na si Luke Plowden kung saan, nagbahagi ito ng larawan niya at ni Liza. Dito, ayon sa aktor ay mayroon umanong nagsasabi na magkamukha sila ng aktres. Reaksyon naman nito tungkol dito, “I guess I can see that”.
Nabulabog naman ng naturang tweet ng Japanese-American na Thai actor ang maraming fans ni Liza na sang-ayon sa isinaad ni Luke. Ayon sa mga ito, mukhang papasa na raw na magkapatid o kambal sina Liza at Luke dahil totoo ngang magkamukha ang mga ito.
“Hi @lizasoberano, I've heard from many Filipino fans that I kinda look like a male version of you, I guess I can see that,” ang buong ani pa nga ni Luke sa kanyang tweet.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit 57,000 lang naman ang naaaning likes ng naturang tweet ng Thai actor at pinagsamang retweets na nasa mahigit 9,000 na ang bilang.
Si Luke, 24, ay isang aktor at modelo na Japanese-American na nakabase sa Thailand. Isa itong sikat na aktor doon at bahagi ng GMMTV. Ang kompanyang ito rin ang nasa likod ng sikat na BL o Boys’ Love hit series na ‘2gether’ kung saan, bida ang mga aktor na sina Bright Vachirawit at Win Metawin.
Patuloy pa rin ang pagre-retweet ng mga fans ni Liza at Pinoy fans ng aktor ng naturang tweet at pagbabahagi ng mga ito ng kanilang reaksyon. Ngunit, wala pang sagot ang aktres sa pahayag at pag-mention na ito sa kanya ng Thai actor.
Samantala, hindi lamang si Luke ang Thai actor na naagaw ang atensyon ni Liza. Sa parehong araw din kasi ay natuklasan ng mga netizen na naka-follow sa Instagram account ni Liza ang Thai at BL series actor na si Bright.
Sa Instagram, isa na si Bright sa mahigit 14.8 miyon na mga followers ng aktres. Samantala, hindi pa naka-follow dito si Liza.
Kaya naman, nabulabog na naman ni Liza Soberano ang Twitter world dahil sa dalawang personalidad na ito na nadagdag sa mga tagahanga ng aktres. Noon pa man ay hindi na maikakaila ang ganda ni Liza na hinangaan hindi lamang ng mga Pilipino at mga kapwa nito Filipino celebrity kundi pati na rin ng mga international celebrities.
Sa katunayan, bago sina Bright at Luke ay una nang napansin si Liza ng sikat na American singer-songwriter na si Charlie Puth nang magdaos ito ng concert sa bansa noong 2016. Sa isang tweet ay inimbitahan pa nga nito noon ang aktres na manood ng kanyang concert ngunit, maayos na tinanggihan ito ni Liza.
Nang sumunod na taon, si James McVey naman ng sikat na international band na The Vamps ang personal na nag-imbita kay Liza na manood ng kanilang concert. Ngunit, gaya ni Charlie Puth ay tinanggihan din ito ng aktres dahil sa kanyang trabaho. Minsan, nagpost pa nga si James ng isang selfie photo kasama si Liza sa Instagram.
Maging si Alex Pall ng The Chainsmokers ay napahanga din ng aktres, kung saan inihayag nito na humahanga nga siya kay Liza.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment