Friday, January 8, 2021

Hindi Man Nakauwi Dahil sa Pandemya, Nakapagpatayo Naman ng Bahay sa Bansa ang OFW na Ito


Dahil sa pademya, hindi nakauwi sa bansa ang Oversease Filipino Worker na si Marivic Sumalinog. Ngunit, mayroon namang mabuting bagay na naidulot para rito at sa kanyang pamilya ang hindi niya pag-uwi sa Pilipinas.

Bagama’t mayroong pandemya, ipinagpapasalamat ni Sumalinog na tuloy-tuloy pa rin ang kanyang trabaho sa ibang bansa. Kaya naman, dahil dito ay tuluyan nang napatayo ng OFW ang kanilang pangarap na bahay.

Katas ito ng mahigit sa 34 buwan na dire-diretsong pagtatrabaho niya sa ibang bansa at hindi nito pag-uwi nitong panahon na mayroong pandemya. Hindi man nakauwi, nabigyang katuparan naman ang pangarap ni Sumalinog at ng pamilya nito sa Pilipinas.

Maliban sa pagpapatayo ng kanilang pangarap na bahay, unti-unti na ring nababayaran o nahuhulugan ni Sumalinog ang lupa na kinatatayuan ng natura nilang bahay. Maging ang motor na kanilang hinuhulog-hulugan ay malapitan na rin umanong mapasakanila.

“Flex ko lang ang katas ng paghihirap ko dito sa abroad 34 months na walang uwi dahil sa pandemya kaya tuloy nalang muna ang pangarap. Yung lupa at motor hindi pa full-paid pero pasasaan ba at mapapasa-akin na rin ang mga iyon,” pagbabahagi pa ng OFW.

Samantala, bagama’t ang pagtatrabaho nito sa ibang bansa ang dahilan ng pagkakatupad ng kanilang mga pangarap, ayon kay Sumalinog ay malaking bagay din umano ang pagiging responsable ng kanyang asawa sa Pilipinas na hindi sinasayang ang kanyang paghihirap sa ibang bansa.


Ani nito, mabuhay din umano ang mga katulad ng kanyang asawa na hindi inaaksayahan ang bawat sentimo na pinaghirapan nilang nga OFW sa pagtatrabaho. Mahirap man lalo na’t malayo ito sa bansang sinilangan at sa kanyang pamilya, nakakayanan niya ang mga ito para sa kanilang pangarap.

“Kaway-kaway sa mga asawang naiiwan sa Pinas tulad ko na di kaya aksayahin ang sentimo na pinaghirapan ng mga asawa nila na nagtatrabaho sa ibang bansa. Super proud po ako sa inyo!” pahayag pa ulit ni Sumalinog.

Dagdag ani pa nito, bagama’t malayo siya sa kanyang asawa at pamilya, kakayanin niya ito para sa kanilang pangarap. Basta’t hindi lamang umano ito magbabago ay patuloy lamang sila sa pagsisikap sa kanilang pangarap.

Umaasa din ito na balang araw ay makakauwi at magkakasama na silang lahat na pamilya at matupad na ang kanilang mga pangarap.

“Mahirap pero para sa mga pangarap, kakayanin! Sana di kayo magbabago. Focus lang po tayo sa pangarap natin. Balang araw, makakasama rin natin ang mga mahal natin sa buhay,” saad pa ng ng OFW.


Inspirasyon naman ang kwentong ito ng pagsisikap ni Sumalinog para sa iba pang mga OFW na nagsisikap din sa ibang bansa para sa kanilang pamilya at pangarap. Maswerte rin umano ang OFW dahil mayroon itong pamilya na pinapahalagahan ang kanyang mga pinaghirapan sa ibang bansa.

Gaya nga ng saad nito, balang araw ay masusuklian din ang kanilang mga pagsisikap kapag natupad na lahat ng kanilang mga pangarap sa buhay. Balang araw ay matiwasay na itong makakauwi sa bansa na mayroong magandang buhay at masayang pamilya na naghihintay sa kanilang pag-uwi.

Source: KAMI


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment