Lubog ngayon sa baha ang maraming mga bayan at siyudad sa Negros Occidental lalong lalo na ang mga lugar ng Victorias City, Silay, at Talisay City. Kaya naman, nananawagan ngayon sa social media ang mga netizen para sa mga tagaroon na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaabot ng mga rescue operation.
Dahil sa walang tigil na malakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar mula pa umaga ng ika-9 ng Enero ay mayroong nagaganap na flashflood na nagresulta sa paglubog ng mga siyudad at bayan ng Victorias, Silay, Talisay, at mga karatig lugar ng mga ito sa baha.
Kaya naman, nangangailangan ngayon ng agarang rescue ang mga apektadong residente ng nasabing mga lugar lalo na’t patuloy pa rin na tumataas ang tubig sa mga lugar na ito. Ayon nga sa isang netizen, umabot na umano sa 12 talampakan ang taas ng tubig sa Victorias City.
“Some cities and municipalities in Negros Occidental, especially Victorias, Talisay, and Silay are experiencing flash floods due to the heavy rainfall since this morning. The water is said to be in level 5 and according to an update I saw 40 minutes ago, the flood in Victoria City is now over 12 feet and there will be another tide in an hour or less…
“The residents there need assistance and urgent rescue! Some families are currently staying on their roofs as the water are rising almost neck-deep. Some people are stranded and there is currently no electricity on some areas,” ani pa nga sa isang viral Facebook post tungkol dito.
Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ng nangyayaring baha ngayon sa Negros Occidental at ang isinasagawang puspusang pagrescue sa mga apektadong residente.
Ngunit, sa kabila ng puspusang mga rescue operations para sa mga residentang apektado, marami pa rin ang humihingi ng tulong at hindi naaabot ng nga awtoridad na nagsasagawa ng rescue operations.
Heto ang ilan sa mga numero na maaari raw tawagan para maabot ang mga humihingi tulong:
Disaster Risk Reduction & Management Office (DRRMO) (034) 432-3879 /709-1633
EMERGENCY 911 HOTLINE (034) 432-3871 to 73
Amity (034) 433-3244
Chamber (034) 432-0111
📢Red Cross
📲(034) 435-0324
- Fire - Bureau of Fire Protection Bacolod (034) 434-5022 / 23
VICTORIAS CITY RESCUE OFFICE 09216224397 / 09155210316
PNP VICTORIAS 09985987454 / 09399647454
EB MAGALONA MDRRMO 09491231923/ 09453187403
SILAY CITY DRRM 09184896175
TALISAY DRRM (034)712-60-74 (034)495-41-52
RADIANT 0999-086-4555
BFP TALISAY (034) 495-65-98
SAGAY DRRM 0915 3223 965
CADIZ DRRM 0909 140 6322
Patuloy pa ngayon ang paglaganap ng #NegrosNeedsHelp upang magpatuloy ang pagdating ng mga tulong para sa mga apektadong residente ng malawakang pagbaha sa mga lugar ng Silay City, Victorias City, Cadiz, Talisay City, at iba pa nitong mga karatig siyudad at lungsod sa Negros Occidental.
“Our province, Negros Occidental needs help. I‘m asking y’all for prayers for those cities who is currently seeking for help. Their houses are now submerged underwater and some people are dying, please, pray for us. #NegrosNeedsHelp,” ang ani pa nga tungkol dito ng isang netizen na humihingi ng dasal para sa kanyang mga kababayan.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment