Nitong nakaraang mga araw ay naglabas ng pahayag ang aktor na si Ian Veneracion sa Instagram kung saan, mariin nitong kinondena ang tungkol sa pagpapakalat ng pekeng balita na nag-uugnay sa kanya sa aktres na si Sue Ramirez.
“Once upon a time I was pissed. #happilymarried,” ang ani pa nga ni Ian tungkol sa kanyang pagkapikon sa naturang fake news.
Sina Ian at Sue ay magkatrabaho sa programang ‘Oh My Dad’ ng TV5. Nagsimulang iugnay ang dalawa matapos ang isang blind item na lumabas sa Philippine Entertainment Portal o pep.ph. Ngunit, nilinaw na rin ng pep.ph na hindi sina Ian at Sue ang kanilang tinutukoy sa kanilang blind item.
“I don’t want to normalize people exploiting our personal lives for their entertainment. I don’t need to defend myself from the lies of perverts,” ang ani pa nga ni Ian tungkol dito nito lamang ika-27 ng Enero.
Samantala, maging ang boyfriend ni Sue na si Javi Benitez ay naglabas na rin ng pahayag tungkol sa naturang fake news. Ani nito, hindi raw magagawa ng aktres ang ganoong klase ng akusasyon at idiniin niya rin na hindi ‘starlet’ si Sue.
Samantala, kamakailan lang din ay naghayag ng galit si Sue matapos mayroong magpakalat ng pekeng larawan nito at ng aktres at kaibigan niyang si Maris Racal. Sa naturang larawan, pinapalabas na animo’y walang suot ang dalawa kahit na mayroon sa totoong larawan.
Sa Instagram, pinakiusapan ni Sue ang marami na itigil na ang pagpapakalat nito at maging ang pagkonsente sa naturang gawain.
Heto ang naging buong pahayag ng aktres tungkol sa kumakalat at nagpakalat ng naturang mga pekeng larawan nito at ni Maris:
“NAKAKADIRI KA. SA LAHAT NG NAGSHARE NETO AT SA DEMONYO SA LUPA NA GUMAWA AT NAG EDIT NG KABABUYAN NA TO, NAKAKATAWA BA TO PARA SAINYO?!!!!
“Sa 8.1M followers ko, nakikiusap ako sainyo. Tulungan niyo ako na matapos na ang kulturang ito. Kulturang bumababoy sa mga kababaihan. Kulturang MAPANIRA. Kulturang KASUKLAM-SUKLAM.
“THIS CAN HAPPEN TO ANYONE. Sa nakakaalam kung san nagsimula ito, pls contact me through DM. Help me get to the bottom of this. HINDI NA TAMA ITO. Masyado na kayong nawiwili sa mga panggagago niyo samin. AYOKO NANG MANAHIMIK. ABUSADO KAYO.”
Nakarating na din sa ABS-CBN at Star Magic ang ilegal na pagmamanipula ng naturang larawan nina Sue at Maris kaya mariin din nilang inihayag ang kanilang pagkondena dito. Ayon sa kanilang inilabas na opisyal na pahayag, gagawan umano nila ng legal na aksyon ang sinuman na nasa likod ng naturang mga larawan dahil higit nilang pinapahalagahan ang kapakanan ng kanilang mga talento.
Heto nga ang ilang bahagi ng inilabas na opisyal na pahayag ng ABS-CBN at Star Magic tungkol sa naturang mga pekeng larawan nina Sue at Maris:
“Nakarating sa amin ang mga malisyoso at edited na litrato ng aming mga Kapamilyang sina Sue Ramirez at Maris Racal na kumakalat online.
“Kinukundena ng ABS-CBN at Star Magic ang iligal na pagmamanipula ng mga litrato ng mga artista at kahit na sino dahil ito ay isang uri ng gender-based online sexual harassment sa ilalim ng RA 11313 o The Safe Spaces Act.
“Nakikiusap kami sa lahat na itigil na ang pagpapakalat ng mga pekeng litratong ito sa social media… Hindi kami magdadalawang isip na gumamit ng ligal na aksyon laban sa mga gumawa nito at sa kahit sinong magpo-post, mamamahagi, o kokopya ng mga litratong ito…”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment