Saturday, January 16, 2021

Isang Grupo ng Kalalakihan, Araw-araw Naghuhulog ng Barya sa Isang Drum; Kanilang Naipon, Nasa Kalahating Milyon na Umano!


Nakakabilib para sa marami ang nagawang pag-iipon na ito ng isang grupo ng kalalakihan ng mga barya na inihuhulog nila sa isang drum araw-araw. Sa dami umano ng mga baryang ito na kanilang inihulog sa drum sa loob ng mahigit siyam na buwan, malaking halaga na ng pera ang kanilang niipon.

Sa isang viral video na kumakalat ngayon sa social media, makikita ang pagbubukas ng isang grupo ng kalalakihan sa isang drum na halos mapuno na ng mga tig-sampung piso ng mga barya na kanila umanong inipon. 

Sa video, matapos buksan ay makikita na ilang palanggana pa ang pinuno ng naturang mga barya dahil sa nakakamangha nitong dami. Sa dami nga umano ng naturang barya ay umabot na raw sa halos kalahating milyon ang kabuuang bilang o halaga ng mga ito.

Dahil naman dito kaya marami ang namangha at bumilib sa pag-iipon ng naturang grupo ng mga kalalakihan. Nakakamangha umano ang dedikasyon ng mga ito sa pag-iipon kaya nasuklian ito ng napakalaking halaga ng pera na galing din sa kanilang pagsisikap at disiplina.

Ngunit, marami man ang namangha ay marami rin ang umangal dahil naman sa umano'y pag-iimbak ng grupo ng mga barya na ani ng mga ito ay bawal umano sa batas. Saad pa nga ng ilang mga netizen tungkol dito, kaya umano hindi nakakaikot ang mga barya ay dahil sa mga ganitong gawain na pag-iimbak o pagtatago sa mga ito.


Ito marahil umano ang dahilan kaya nagkakaubusan o pahirapan ang paghahanap ng barya lalo na sa mga panukli. Ipinagbabawal na nga umano ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pag-iimbak ng barya na katulad nito at mayroon pa umanong karampatang parusa sa mga lalabag dito.

Saad naman ng ilang mga netizen, bagama’t wala naman umanong masama sa pag-iipon, sana umano ay huwag naman sa ganitong paraan na natetengga ang pera lalo na ang mga barya. Sa katunayan, ang pag-iipon ay isang napakagandang kaugalian ngunit, kailangan umano itong gawin ng maayos at responsable.

Heto nga ang ilan sa mga komentong ito na ibinahagi ng mga netizen tungkol sa naturang viral video:

“Dapat dineposit sa bangko para mag circulate ang pera lalo na’t barya ‘yan. Kelangan na kelangan yan… Kaya pala nagkaroon ng shortage sa barya, nasa inyo pla lahat. hehehe nahirapan tuloy si manong magsukli sa jeep, wala kasing barya.”

“Di naman masama mag-ipon pero kailangan umikot ang pera. Kaya tuloy mahirap na maghanap ng panukli dahil sa mga nag-iipon ng katulad nito na subra-sobra.”


“Magagalit ang Central Bank n’yan. Dapat ang barya ay nasa sirkulasyon. Kung gusto niyong mag-impok, dapat bangko talaga. ‘Wag natin pahirapan ang ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng ganyan. Gawa ng gawa tuloy ang Central Bank sa bawat kakulangan sa barya. Please, hindi maganda sa ekonomiya ang hoarding ng barya.”

“Bawal po iyang ganyan ka daming barya na ipunin. May kaakibat na parusa po iyan. Di po bawal mag-ipon. Maganda nga po iyon pero ‘yung ganyan ka daming barya, bawal na po. Lagot kayo sa Bangko Central.”

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment