Sunday, January 17, 2021

Service Crew ng Isang Fast Food Chain, Naiyak Matapos Sigawan at Murahin ng Isang Customer


Hindi na nakapagpigil ang netizen na si Zari na ihayag sa social media ang pagkadismaya sa nasaksihan nitong pagpapaiyak ng isang customer sa isang fastfood crew sa drive thru na minura at sinigawan lang naman umano ng naturang customer.

“Shoutout sa kustomer sa drive thru ng Jollibee kumintang (Batangas) na may plate number na ••• 744. Di lang namin nakuha ‘yung letter sa plate number pero may CCTV naman ‘yung drive thru ng Jollibee…

“Sinigaw-sigawan si ateng naka duty sa drive thru na walang nagawa kundi mapaiyak at mag sumbong sa’min,” pagbabahagi pa ng netizen.

Ayon kay Zari, hindi man lamang umano inawat ng kasamang babae ng customer ang pagmumura at pagsigaw-sigaw nito sa service crew. Hindi na napigilan ng netizen ang maawa rito dahil wala naman itong maling ginawa kundi ang magtrabaho.

Kahit pagod na umano ang service crew, sinisikap nitong magtrabaho pa rin kaya ang ginawa ritong pagsisgaw-sigaw at pagmumura ay hindi makatarungan. Ani pa nito, sana raw ay matauhan ang naturang customer at mapagtanto ang mali nito.

“Di nyo alam kung gaanong pagod ang ginagawa ng mga taong to sa ganitong oras at panahon para makapag trabaho ng maayos tas babastusin at mumurahin nyo lang. Sana malaman ung buong plate number nyo at matauhan kayo ng mahulasan kayo sa ginawa nyo… 


“May kasama kapang babae jan sa sasakyan mo di kaman lang pinigilan. Nahabag talaga ako kay ate,” dagdag ani pa ni Zari sa kanyang viral Facebook post.

Ayon pa ulit kay Zari, mukhang lasing pa umano ang naturang customer ngunit, sa kabila nito ay hindi pa rin ito rason upang magmura at manigaw ito ng ibang tao.

Samantala, gaya ni Zari ay nanggalaiti rin ang maraming mga netizen sa nasabing customer na grabe ang ginawa sa service crew. Ani pa ng mga ito, maka-karma din umano ang naturang customer at sana ay maranasan din niya ang ginawa nito sa service crew.

Kaugnay nito, nakarating din sa kaibigan ng service crew ang naturang pangayayari kaya maging ito ay hindi rin nakapigil na manggigil sa galit sa ginawa ng naturang customer sa kanyang kaibigan.

Pagbabahagi nito, halos magkasakit na nga araw ang kaibigan nito sa kakatrabaho kahit madaling araw para lamang masuportahan ang sarili nito. Wala umanong modo ang customer na sumigaw-sigaw at nagmura rito na hindi man lang kinonsidera ang araw-araw na hirap ng kaibigan.

“Self-supporting ‘yan! Kung di n’yo alam, nagtatrabaho ‘yan ng maayos para mabuhay sarili niya at mapag-aral. Mga wala kayong modo! Malaman ko lang kung sino kayo, ako mismo mumura sa inyo,” galit na ani pa ng kaibigan ng service crew.

Samantala, heto pa ang ilan sa mga galit na komento ng mga netizen tungkol ginawang pagmumura na ito ng customer sa naturang sevice crew:


“Grabe. Hindi naman makatao ‘yan. Sana mangyari din sa kanya ‘yun at nang malaman n’ya kung ano ang pakiramdam ng ganoong sitwasyon haissstttttt. Tao nga naman.”

“You know? Karma is real! Pasasaan ba at makakatapat din sila ng kasing ugali nila.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment