‘Traumatic’ kung ilarawan ni Ex-PBB housemate Jai Agpangan ang nangyari sa kanya nitong pasko. Bago kasi matapos ang taon at sa mismong pagdiriwang ng pasko ay nasa ospital si Jai at na-comatose sa loob ng tatlong araw.
Ayon sa kanya, noong ika-24 ng Disyembre ay nakaranas umano ito ng pagsama ng pakiramdam, pagsusuka at ‘swelling’ sa kanyang tenga habang naguluto para sa Noche Buena, hanggang sa nahimatay na lamang umano ito.
“I don't know why baka sa piercings, na-infected pala siya. ... Actually grabe 'yung nangyari sa akin…
“Grabe ‘yung nangyari sa akin… I got coma for almost three days… (December) 27 ako nag-wake up daw. Hindi ko alam na NGT lang 'yung food ko. Tapos lumbar tap ako, kasi parang akala nila meningitis, parang na-tetanus kasi ako, infected, sepsis, ang daming sabi sa akin ng doktor ko. Buti na lang mabait ang doctor namin at saka magaling,” pagbabahagi pa ni Jai.
Habang kinukwenta at binabalikan ang nangyari ay pinipigilan ni Jai ang sarili na maiyak dahil ani nga nito ay sobrang takot umano nito sa nangyari sa kanya. Nagsilbi rin umanong ‘eye-opener’ para sa kanila ang nangyaring ito kay Jai na mas bigyang pansin o alagang mabuti ang kanilang kalusugan.
“Grabe hindi ko ito makakayanan. Almost, half-dead na ako sabi ng sister ko and I was so scared kasi parang hindi ko kaya kasi I know I have a purpose pa. 'Yung na-experience ko ngayon medyo masakit pa sa akin kasi two weeks pa, pero recovering na ako, healing na ako.
“Masakit pa talaga likod ko, lumbar tap, and I have bruises lahat ng injections sa akin. It's basically very painful this one (right arm) kasi parang wala na talaga silang makuhaan sa akin na blood and everything,” ani pa nito.
Samantala, bagama’t gumagaling na ngayon si Jai ay ipinagpapasalamat nito ang suporta sa kanya ng kanyang pamilya na nagsilbi niya umanong support system. Ipinagpapasalamat nito na gumagaling na siya at sinalubong nilang pamilya ng buo at magkakasama ang bagong taon.
“Parang naging support system ko sila. Honestly parang very serious matter talaga 'yung sa amin, naging (eye-opener) sa aming lahat na mag-take care talaga sa heath. Kasi you know life is a blessing…
“I just want to appreciate everything. 2020 talaga it made me stronger and 2021 I am hoping that things will be better and in Jesus name I will be healed. Grabe! Thank you na lang. Basta I just want to appreciate everything. Sorry naiiyak talaga ako. ... I thank God for life blessing and ability to make other people happy din,” saad pa nito.
Ipinagpapasalamat din ni Jai sa Panginoon na nasa proseso na siya ng healing mula sa kanyang pinagdaanan. Pangako pa nga ni Jai, sa loob ng dalawang linggo ay magiging maayos na umano ito.
“I thank God na lang talaga for everything as in I owe the Lord for everything, I praise the Lord talaga. ...Two weeks guys, I'm going to be okay. Praying for the best,” ani pa ulit ni Jai.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment