Viral ngayon sa Facebook ang nakunang video na ito ng isang delivery rider ng Lazada sa isang customer na pinag-hatidan niya ng delivery.
Sa video, makikita ang galit na lalaking customer dahil kakatulog niya pa lang umano nang dumating ang delivery rider upang ihatid ang inorder nito. Sa video, makikita ang pagrereklamo ng customer kung bakit umaga raw nagdeliver ang rider sa kanya at hindi hapon.
“Ire-report ko kayo sa ano, eh. Pwede naman kayo sa hapon o tanghali. Inu-una niyo dito. Kakatulog ko lang, eh,” ani pa ng customer na panay ang hampas sa katabi nitong mesa habang hinihintay ang sukli mula sa delivery rider.
Paulit-ulit pa nitong saad sa rider, kakatulog pa lamang umano nito dahil sa bata. Dito ay makikita at maririnig din na na tinanong nito ang pangalan ng rider na agad din namang sinabi ng rider na walang pag-aalinlangan. Ani ng customer, irereport niya raw umano ang rider.
“Kakatulog ko lang, eh. Anong pangalan mo? Bigay mo sa’kin… Raffy Tolentino, sige. Tatawag ako sa ano niyo. Di na nga kayo nire-receive dito ng umaga, eh, babalik-balik pa kayo ng umaga…
“Kakatulog ko lang, pare. Sa totoo lang. Kakatulog lang dahil sa bata,” patuloy pa nitong reklamo sabay suntok sa kanilang gate na siyang pumapagitan sa kanila ng rider.
Panay naman ang paghingi ng pasensya ng rider sa naturang customer at sinabing trabaho lamang nila ito. Kita din na napa-atras ang rider nang suntukin ng customer ang gate ngunit, patuloy pa rin ang paghingi niya rito ng pasensya.
Kaya namn, para ihayag din ang kanyang naging saloobin sa pangyayari, ibinahagi ng delivery rider na si Raffy Tolentino ang nakunan niyang video ng pangyayari at nagbigay ng mensahe para sa naturang rider at sa iba pang mga customer na sinisigawan o inaangasan din sila.
“Sa mga customer namin sa LAZADA, ‘wag niyo naman kami angasan, sigawan o murahin kung napa-aga o na-late ang delivery namin sa inyo. Trabaho po namin na mai-deliver ng maayos ‘yang mga order niyo. Umulan man o umaraw, magdedeliver pa din kami ng walang angal dahil trabaho namin ‘yan…,” sabi pa rito ni Tolentino.
Ang customer na nasa naturang video na nanuntok ng gate at nanindak ng rider ay isa palang nagngangalang James L. Cabangbang. Sa natura niyang viral Facebook post, nagbigay ng mensahe para rito si Tolentino. Ani niya pa rito,
“Mr. JAMES L.CABANGBANG, di ko intention na istorbohin tulog mo. Di ko din alam na kaka tulog mo lang. 9:30 am na ‘nung nag-deliver ako d’yan sa inyo. Umorder ka sa Lazada kaya asahan mo any time may darating sayo na deliveries...
“Kung ayaw mo ma-istorbo ‘wag ka mag shopping online… Sabi mo, irerekamo mo ko. Sige, karapatan mo yan... Wala ako ginawa na mali sa trabaho ko at na deliver ko ng maayos ‘yang order mo.”
Dahil nagviral ay agad naman na umani ng pambabatikos mula sa mga netizen ang naturang customer na umano’y bastos at napakataas ng tingin sa sarili. Malinaw umano na ang mali sa pangyayari ay nasa naturang customer at hindi sa delivery rider na ginagawa lamang ang kanyang trabaho.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment