Monday, January 18, 2021

Kris Aquino, Hindi Nakadalo sa Dinner Party ni Derek Ramsay Dahil Inatake ng Kanyang Sakit


Hindi nakadalo si Kris Aquino sa imbitasyon sa kanya ng kanyang kaibigan at aktor na si Derek Ramsay sa isang dinner party na inorganisa ni Derek at pamilya nito sa kanyang bahay bilang selebrasyon sa bagong taon.

Ayon kay Kris, ito ay dahil sa muli na namang pagsumpong ng kanyang mga sakit gaya ng migraine, urticaria, at fatigue na madalas ay siya ring dahilan kaya naaantala ang ilang mga trabaho ng Queen of All Media.

Kasama sana nito na pumunta kina Derek si Bimby dahil nasa Tarlac din nang mga raw na ‘yun ang kanya namang panganay na si Josh. Kaya naman, mag-isa na lamang na pumunta sa dinner party ni Derek ang bunso ni Kris na si Bimby. 

Gayunpaman, maayos naman umano ang pagtanggap ng pamilya ng aktor sa bunso ni Kris kaya magandang mga papuri sa kanila ang sumbong ni Bimby kay Kris.

“Bimb & i were supposed to have dinner w/ the Ramsay family last weekend, unfortunately the unpredictability of my autoimmune manifestations (migraine, the chronic spontaneous urticaria, and the fatigue),” pagbabahagi pa ni Kris.


Sa kabila ng kanyang mga nararamdaman ay sinubukan naman umano nito na makadalo sa imbitasyon sa kanya ng aktor ngunit, hindi talaga ito kinaya ni Kris. Kaya naman, magiliw na ipinaabot ni Kris ang kanyang malaking pasasalamat kay Derek, sa pamilya nito, at sa kanilang 16 na taong pagkakaibigan dahil sa mainit nitong pag-welcome kay Bimby.

Dagdag pa nga ni Kris, mayroon umano itong pagsisisi na hindi siya nakadalo sa New Year dinner party ng aktor dahil ayon kay Bimby, madaldal at magandang kausap umano ang pamilya ni Derek. Ani pa nga nito, mukhang mahihigitan umano ng pamilya ng aktor ang kanyang pagiging madaldal.

“...struck and as much as i wanted to & tried to- i just couldn’t make myself get out of bed. @ramsayderek07 thanks for making bimb feel so welcomed & i really appreciate our 16 years of friendship…

“hearing from him how tight knit your family is & for him to say, the 2 of us would definitely have been out talked (yes, sinabi nya mas madaldal & opinionated kayo) made me regret missing that experience. #friendship #family,” ani pa ulit ni Kris.

Samantala, ipinaabot din ni Derek ang kanyang papuri kay Bimby na ani nito ay isa umanong matalino at ‘well mannered’ na bata. Saad pa nga ng aktor,

“Such a smart and well mannered kid…”

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na ang pabalik-balik na sakit ni Kris ang dahilan kaya madalas ay mayroon itong mga bagay na hindi nadadaluhan o nagagawa. Higit na apektado nito ang kanyang trabaho ngunit, sa kabila nito ay prayoridad pa rin ni Kris ang sarili.


Hindi lamang mga product shoots nito para sa webisodes ang naapektuhan ng kanyang sakit kundi pati na rin ang ilang mga personal na bagay gaya na ng lamang ng hindi nito pagdalo sa imbitasyon sa kanya ni Derek.

Kaya naman, dasal ngayon ng mga tagahanga ni Kris na maging mas maayos na ang kalusugan nito at matuloy na sa wakas ang pagbabalik-telebisyon ng nag-iisang Kris Aquino.

Source: INQURER


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment