Agad na naging trending sa Facebook ang ibinahaging Facebbok post ng netizen na si Franklin tungkol sa isang lolo at aso nito na ksama niya sa paglalako ng mani at iba pa gamit ang kanyang sirang bisikleta.
Ayon sa netizen na mula sa Cebu, sa may Cebu South Bus Terminal ay una niya umanong nakita ang nasabing lolo na agad kumuha sa kanyang atensyon. Akala umano nito ay umiikot lamang sa lugar si lolo at ang aso nito ngunit, sa bisikleta nito ay nakasabit ang kanyang mga panindang mani.
Nawala umano ito sandali sa kanyang paningin ngunit, ilang sandali lamang ay muli na naman silang nagkita. Sa pagkakataong ito ay nagkausap na sila ni lolo kung saan, naikwento umano nito sa netizen ang tungkol sa sumasakit nitong likod bunsod ng pagtutulak nito sa kanyang sirang bisikleta.
Bagama’t sira na ang bisikleta ay hindi umano ito magawang ipagawa ni lolo dahil sa kakaposan sa pera kaya nagtatyaga pa rin ito dito bilang dinadala nito ang kanyang paninda. Sa larawan, makikita din na naksabit sa bisikletang ito ni lolo ang kanyang alagang aso.
“Manong approached me complaining that his back hurts since he’s just pushing his bike wherever he goes since the tire of his bike got broken. And since I am an animal lover, too, I observed that his dog is so sweet and likes to be petted a lot…
“Evidently, the pup is really used to a lot of people and crowd. He told me that he sells peanuts everyday,” pagbabahagi pa ng netizen.
Kaya naman, upang kahit papaano ay makatulong kay lolo at sa paglalako nito ng kanyang mga paninda, ibinahagi ng netizen ang kwento ni lolo sa social media at naikusap na kung maaari ay bumili ang mga ito rito kung sakaling makita nila ito sa daan.
“If it happens that you will have an encounter kay manong, I guess it’ll be a big help para not just for him but for the pup that you’ll give or buy in any amount you can,” ani pa ulit nito.
Hindi naman inasahan ng netizen na agad magiging viral at maraming mga netizen ang maaantig sa kwentong ito ni lolo. Dahil naman dito akay dumagsa ang mga nais na tumulong o magpaabot rito tulong.
Kaya naman, para sa mga nais tumulong kay lolo, nagbigay ng detalye ang netizen para sa mga nais na magbigay at magpadala ng tulong kay lolo at sa aso nito. Mula naman sa mga cash donations na ito na kanyang nakalap ay nakabili ang netizen ng mga pangunahing pangangailangan ni lolo gaya ng groceries at tubig.
Layunin naman ngayon ng netizen na mabigyan ng bagong bike at sidecar si lolo na sya ring hiling nito para umano sa maayos na sasakyan ng kanyang alagang aso at para sa mas komportableng paglalako nito ng kanyang mga paninda.
Gamit ang mga natatanggap na donasyon para kay lolo, umaasa ang netizen na maibibigay nito ang hinihiling sa kanya ni lolo.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment