Upang mayroong pambayad sa kanilang mga abogado para sa pag-usad at pakikipaglaban nila sa kaso tungkol sa pagpanaw ni Christine Dacera, ang mga ‘persons of interest’ na kinabibilangan nina Valentine Rosales at mga kaibigan nito ay humihingi ng tulong pinansyal o donasyon mula sa publiko.
“I would like to ask for your help to raise funds for me and my fellow friends who are struggling to finance a lawyer in assisting us in this situation and effectively defend us. Any amount of donation will mean a lot & will be appreciated.
“Again thank u to every single one of you who were here with us through our fight for the truth!!” saad pa nga tungkol dito ni Rosales.
Kaugnay nito, ayon sa batikang mang-aawit at negosyanteng si Claire dela Fuente ay dumagsa umano ang tulong pinansyal para sa mga ito. Ang anak ni dela Fuente ay isa rin sa mga itinuturing na ‘person of interest’ kagaya ng mga kaibigan nito sa pagpanaw ng kaibigan din nilang si Dacera.
Kagaya ng iginiit ng anak nitong si Gregorio de Guzman at ng mga kaibigan nito, naniniwala si dela Fuente na inosente ang anak kaya ipinaglalaban nila na lumabas ang katotohanan tungkol sa nangyari.
“Nakakagulat, ang dami nang nagbigay, pati na mga ordinaryong tao na magsasabi na ‘pasensya na kayo, beinte pesos lang ang mabibigay ko muna…
“Ang importante ‘yung tiwala nilang binigay, big donor or not. Kahit na may nagbigay na maliit na halaga, okay lang, malaking bagay na yon,” pagbabahagi pa ng singer.
Bagama’t makakaya umano nila ang gastusin para sa legal defense ng anak para sa kaso, hindi lahat ng mga kaibigan nito ay may kakayahang pinansyal lalo na’t hindi na nakabalik sa trabaho ang mga ito bunsod nga ng pagkakasangkot at mga alegasyon sa kanila sa pagpanaw ni Dacera.
“Ang anak ko, kaya niya ang cost ng legal defense pero itong mga batang ito, wala namang masyadong kaya sa buhay for a long and costly legal defense, kailangan pa nilang mag-donation drive,” ani pa ulit ni dela Fuente.
Samantala, may payo naman para kina Rosales ang komedyanteng si Ai-ai delas Alas para makahingi ng pinansyal na tulong ang mga ito. Ayon kay delas Alas, maaari raw silang lumapit sa iba’t-ibang mga grupo lalo na sa LGBTQ community.
“Humingi din sila ng tulong sa Public Attorneys Office (PAO), sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) at sa iba pang lawyer na may gender advocacy,” ani pa ng komedyante.
Pagbibigay opinyon pa nito sa kaso ni Dacera at ng mga ‘persons of interest’ sa kaso, sana raw ay lumabas na ang katotohanan dahil kawawa din umano ang mga nadadamay kung totoo mang inosente ang mga ito. Saad pa nga nito,
“Hindi ako sumasawsaw sa issue, I was only asked. Pero bilang nanay, masakit talagang mawalan ng anak. Ilalaban ko rin anak ko sa sinapit niya. ‘Yung mga LGBT persons of interest, kawawa rin naman. Paano na sila makakabalik sa buhay pagkatapos laitin ang kanilang pagkatao, pati na pamilya nila?”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment