Thursday, January 28, 2021

Meryll Soriano, Inihayag na Pinlano Nila ni Joem Bascon ang Kanyang Pagbubuntis


Mula nang ibunyag ni Meryll Soriano ang pagbubuntis at pagsilang nito sa anak nila ni Joem Bascob, madalas na itong naghahayag ng ilan pang mga detalye mula nang malaman nitong siya ay buntis hanggang sa matapos nitong manganak.

Sa isa sa pinakabago nitong post sa Instagram, ibinunyag ni Meryll na ang kanyang pagbubuntis ay pinlano umano nila ni Joem. Pagbabahagi pa ng aktres,

“When we found out we were parents after planning and trying. Voilà! What a happy day.”

Nito lamang bagong taon nang ibunyag ni Meryll sa publiko ang kanyang panganganak at maging ang pagbabalikan nila ng dating karelasyon na si Joem. Taong 2010 nang unang magkaroon ng relasyon ang dalawa at muling nagkabalikan matapos ang halos isang dekada.

Ayon ky Meryll, hindi naging madali ang kanyang pagbubuntis dahil na rin sa kanyang edad. Gayunpaman, matagumpay niyang naisilang ang anak sa isang normal birth delivery.

“Pushed my heart out. 7lbs. 20 in. 10hrs. of labour. Normal birth delivery. We welcomed our beautiful boy.

“At 38, my doctor told me that it’s risky and difficult. I had anxiety over this on the latter part of my pregnancy,” ani pa nito.


Maliban sa kanyang edad, isa rin sa nagpadagdag sa hirap ng sitwasyon ng pagbubuntis ni Meryll ay nang matuklasan nito na mayroon siyang GMD habang nagbubuntis. Kaya naman, maraming mga pagkain na iniwasan si Meryll habang nagbubuntis at regular din ang ginawa nitong mga ehersisyo.

“I also acquired Gestational Diabetes (GDM) on my 6-7 month of my pregnancy. Which meant 4 x a day of glucose tests, 4 x a day of insulin shots and nth goodbyes to donuts, chocolates and cakes until I give birth.

“So, I worked out 4-5 x a week, healthy food intake and baby yoga as much as I could. It was hard work and it was difficult and tiring most of the time. But, again, my age is a factor. I did what was needed to be done.

“Voila! I made it. I did it! I am so proud to have a healthy pregnancy and safe delivery,” dagdag pa nito.

Malaki din ang pasasalamat ni Meryll para kay Joem dahil sa pag-aalaga nito sa kanya habang ipinagbubuntis ang kanilang anak. Ani pa nga nito,

“But, I couldn’t have done it without Dud. He helped me stay on track. He stopped buying Cloud 9 and HawHaw. He did pregnant workouts with me. And, there are no words to explain the taking-care-of-me part. He’s the best. Thank you so much, Dud.”

Samantala, nabalot din ng kontrobersiya ang pagbubunyag na ito ni Meryll ng relasyon nila ni Joem dahil sa mga intriga tungkol sa dating karelasyon ng aktor na si Crisha Uy. Walong taon din ang itinagal ng relasyon nina Joem at Crisha bago muling nagbalikan ang aktor at si Meryll.


Ayon kay Crisha, ‘betrayed all over again’ umano ang naramdaman nito nang malamang totoo ang balitang nagkabalikan sina Joem at mayroon nang anak ang mga ito.

Source: ABS CBN

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment