Nauuso na nga ngayon ang pagdi-DIY o ‘Do It Yourself’ lamang ng iba’t-ibang mga bagay at mga gawain kagaya na lamang ng pagkukulay sa buhok at hair bleaching. Ngunit, may babala tungkol dito ang isang netizen at eksperto sa buhok.
Sa isang Facebook post, ayon sa isang Ruth Pitre ay mayroon din umanong kaakibat na mga hindi kaaya-ayang epekto ang pagdi-DIY o basta-basta na lamang na pagbe-bleach ng buhok.
Ayon sa kanya, bagama’t hindi naman umano siya kontra sa pagdi-DIY lamang ng proseso ng pagbebleach ng buhok, sana raw ay malaman din ng mga ito na hindi dapat ginagawang biro lamang ang naturang proseso.
“WAG PO KASI NATIN GAWING BIRO ANG PAGBI-BLEACH. DI KO KAYO DINIDISCOURAGE MAG-DIY PERO SANA, MALAMAN NYO RIN ANG CONSEQUENCES NG BLEACHING…,” ani pa nito.
Sa kanyang Facebook post, nagbahagi si Ruth ng ilang mga larawan kung saan, ipinapakita nito ang ilan lamang sa mga maaring hindi magandang epekto sa buhok kapag hindi ginawa ng tama at maayos ang proseso ng pagbi-bleach.
Dito, isinaad ng netizen na ilan lamang sa mga maaaring epekto nito ay ang pagkapanot, pagka-kalbo, o di kaya ay ang tuluyan nang hindi pagtubong muli ng buhok ng isang tao. Kaya naman, payo nito sa marami, sana raw ay huwag basta-bastang ipagkatiwala lamang sa kung sino ang kanilang buhok at magtiwala lamang sa mga propesyunal o eksperto rito.
“PWEDE KAYO MAKALBO, MAPANOT. WORSE CASE IS DI NA TUMUBO HAIR KUNG NASIRA NA ANG TISSUES NG SKIN SA SCALP...
“KAYA MAY MGA KAGAYA KONG PROFESSIONAL NA NAG-ARAL DAHIL CHEMICAL PO YAN… INGAT KAYO AND IPAGKATIWALA LANG ANG BUHOK SA LEHITIMONG HAIRDRESSER/HAIRSTYLIST,” dagdag saad pa ni Ruth.
Kadalasasn kasi, dahil din sa mga madalas na nakikita sa social media ay kanya-kanya nalang din ng pagkukulay at pagbebleach ng buhok ang marami at mas pinipiling huwag nang magsadya pa sa mga propesyunal na hairstylist. Kahit na walang alam ang mga ito sa kung ano talaga ang tamang proseso at nakaasa lamang sa social media, mas pinipili pa rin ng mga ito na mag-eksperimento.
Mayroong iba na siniswerteng maganda ang nagiging epekto sa kanilang buhok ngunit, mayroon ding iba na imbes na gumanda ay problema ang naging dala sa kanila ng ginawa nila sa kanilang buhok gaya na lamang ng pagbi-bleach nito nang sila-sila lamang.
Kadalasan din sa mga rason ng mga ito ay upang makatipid umano sila sa bayad. Ngunit, hindi man lahat ay mayroong mga pagkakataon na imbes na makatipid ay mas nagkakaroon pa ng gastos ang isang tao para sa gamutan dahil nga sa minsan ay hindi tama ang paraan ng mga ito sa pagbe-bleach ng kanilang mga buhok.
Kaya naman, nangungunang payo pa rin ng marami lalong lalo na ng mga propesyunal na hairdresser o hairstylist na unahing komunsulta o magpunta sa kanila upang makasigurado na ligtas talaga at tama ang proseso ng pagpapaganda sa buhok. Bagama’t mas mahal ito kaysa sa pagdi-DIY, di hamak naman na mas garantisado ito at ligtas ito para sa nakararami.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment