Saturday, January 9, 2021

Pagkawala ng Eroplanong Sriwijaya Air sa Indonesia, Nahulaan ni Rudy Baldwin


Laman ngayon ng balita ang biglaang pagkawala ng eroplanong Sriwijaya Air ilang minuto lamang matapos nitong mag-take off sa Jakarta, Indonesia papunta sana sa Pontianak, Indonesia bandang alas 2:36 ng hapon, Sabado, ika-9 ng Enero, 2021.

Ngunit, ang isa rin sa mga nagpagulat sa mga tao ay ang biglaan ding pagkalat ng isang Facebook post kung saan, makikita na minsan na palang nahulaan ng psychic na si Rudy Baldwin ang mangyayari umanong pagkawala ng dalawang magkaibang eroplano mula sa ibang bansa. Ang isa sa mga ito ay animo’y tugma ang pagkakalarawan sa nawawala ngayong eroplano.

Base sa isang larawan, ang naturang ‘vision’ o prediksyon ay ibinahagi ni Baldwin noong Nobyembre ng nakaraang taon. Dito, ayon kay Baldwin ay dalawang magkaibang eroplano mula sa ibang bansa ang umano’y maaaksidente na marahil ay dahil sa engine failure.

Bagama’t hindi pa pinal o wala pang opisyal na pahayag tungkol sa sanhi ng pagkawala ng Sriwijaya Air sa Indonesia, mayroong lumalabas na ulat na umano’y nagcrash ang eroplano.

Samantala, sa naturang prediksyon ni Baldwin ay nabanggit din nito ang nakikita niya raw na kulay ng naturang mga eroplano. Ayon sa psychic, sa dalawang eroplano, ang isa rito ay mayroong mga kulay na asul at puti na tugma naman sa mga kumakalat ngayong larawan ng nawawalang eroplano sa Indonesia.

“Isang eroplano ang nakikita ko na maaaksidente pa lamang. Green na may yellow at white eroplano ng ibang bansa ito… at ang isa ay white na may blue at ibang bansa ito. Engine failure ito pero kung maaagapan nila, maaari pang maligtas,” saad pa nga rito ni Baldwin.


Nawala umano sa radar ang eroplano apat na minuto lamang matapos nitong magtake-off para sa isang 90- minute flight sakay ang nasa 56 na mga pasahero at anim na crew ng eroplano.

“Sriwijaya Air flight #SJ182 lost more than 10.000 feet of altitude in less than one minute, about 4 minutes after departure from Jakarta,” ani pa nga sa isang ulat na inilabas ng Flightradar24 sa Twitter.

Ang eroplanong ito ay isang Boeing 737-500 na nasa 27 taong gulang na. Patuloy pa umano ngayon ang pagkalap ng mga detalye tungkol sa nawawalang eroplano.

Ngunit, ayon sa ilang mga ulat, mayroon umanong natagpuan na mga debri ng eroplano at mga damit ang ilang mga mangingisda mula sa lugar. Kaya naman, pinangangambahan ngayon ng mga awtordidad na nag-crash umano ang eroplano ilang minuto lamang matapos nitong magtake-off sa Jakarta, Indonesia.

Ayon pa nga sa mga karagdagang ulat, bagama’t hindi nila nakita ang umano’y pagbagsak ng eroplano, mayroon daw mga mangingisda na nagsabing mayroon silang narinig na pagsabog sa dagat. Tatlong mangingisda mula sa Lancang Island ang nagsabi na nakarinig sila nito at nakaranas ng biglaang pagtaas ng alon sa parehong oras na pinangangambahang nawala ang eroplano.

“I heard very loud explosion. I thought it was a bomb or a big thunder. We then saw the big wave, about 2 meters high, hitting our boat,” saad pa nga tungkol dito ng isang mangingisda.

\

Ang Lancang at Laki Island sa hilagang kanluran ng Jakarta, Indonesia ay ang lugar na pinaghihinalaang nawala ang Sriwijaya Air Boeing 737-500 kaya mayroon ngayong nagaganap na search operation sa lugar.

Source: CNNfacebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment