Saturday, January 9, 2021

Aktor at isa sa Kapatid ni Robin Padilla, Pumanaw sa Edad na 58


Sa edad na 58 ay namaalam na ang aktor na si Royette Padilla, ang panganay na kapatid nina Robin Padilla, Rommel Padilla, at BB Gandanghari. Heart attack umano ang ikinamatay ng aktor ngunit, maliban dito ay wala ng iba pang detalye tungkol sa kanyang pagpanaw.

Nito lamang Sabado, ika-9 ng Enero ng lumabas ang nakakagulat na balitang ito galing mismo sa kapatid ni Royette na si Rebecca Padilla. Sa isang Facebook post, humingi ng dasal ang babaeng kapatid ng Padilla brothers para sa pumanaw na si Royette.

“Pls whisper a prayer for our brother, Royette Padilla. A silent prayer for his eternal peace, please,” saad pa rito ni Rebecca.

Agad naman na nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang marami lalo na ang mga malalapit na kaibigan, pamilya, at ang mga tagahanga ng aktor. Samantala, wala pang anumang pahayag na inilalabas tungkol sa pagpanaw ng kanilang kapatid sina Robin at Rommel. Maging ang pamangkin nito na si Daniel Padilla ay wala ring inilalabas na pahayag tungkol dito.

Huling naging Facebook post ni Royette bago ito pumanaw ay noong ika-24 ng Disyembre kung saan, dito ay nabanggit niya ang tungkol sa kanilang nanay na si Eva Carino na isa ring dating aktres.

Kalakip ng pagbabahagi nito ng isang larawan kasama ang kanyang ina, ani ni Royette ay ang katatapos lamang na Pasko ang pinakamasayang Pasko para sa kanya dahil gumaling umano sa sakit ang kanyang ina.


“This is my happiest Christmas because the most wonderful mom mama eva in the world has fully recovered from her illness and beautiful again as ever!

“Merry Christmas everyone and to all your loved ones and specially to all my friends here in FB,” ang saad pa nga rito ni Royette.

Sa mga taong 1990 nang maging isang aktor si Royette at lumabas sa iba’t-ibang mga pelikula. Ilan sa mga pelikulang ito na kinabilangan ng aktor ay ang “Di na Natuto (Sorry na, Puede ba?)” at “Mistah” noong dekada ‘90. Samantala, naging bahagi din si Royette ng mga pelikulang “Buhay Kamao” noong 2001 at “Alab ng Lahi” noong 2003.

Dahil matagal-tagal na rin mula ng magkaroon ng balita tungkol sa aktor, ikinagulat ng marami ang kanyang pagpanaw lalo na’t hindi rin naibalita na nagkaroon ito ng sakit o karamdaman. Kaya naman, bumuhos din agad ang mga pakikiramay para sa pamilya Padilla lalo na ng mga nakakaalala kay Royette bilang isang aktor.

Heto nga ang ilan sa mga inihayag na pakikiramay ng ilang mga netizen para sa nakakagulat na pagpanaw ni Royette Padilla:

“Ito yung nasa Mistah. Condolence po sa Padilla family. May you rest in peace.”

“Condolence. Wala talaga nakakaalam hanggang kelan ang buhay sa mundo. RIP.”

“RIP at Condolence sa family Padilla. Na-miss ko tuloy ‘yung mista at ‘yung mga Padilla brothers. We love you, Royette.”

“Condolence to the Padilla family. May your soul rest in peace, sir Royette Padilla.”


“May you rest in peace, Kuya Royette. I am saddened by the news that you're gone.  My deepest condolences to the entire family.”

Source: artistaph

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment