Sunday, January 17, 2021

Rider, Nagsikap Makahanap ng Blackpink ‘The Album’ Para sa Hiling ng Anak sa Kaarawan Nito


Laking tuwa ng isang fan na ito ng Kpop Girlgroup na Blackpink nang makatanggap siya sa kanyang kaarawan ng ‘The Album’ na hiniling nito sa kanyang ama na bilhin para sa kanyang kaarawan.

Para sa kanyang anak, naghanap ang courier rider na si Ralph Paul de Leon ng ‘The Album’ ng Blackpink. Sa online shop na 7for7Shoppe ay sinubukan ni de Leon na magtanong tungkol sa pinapabili ng anak.

Naantig naman ang naturang shop sa suporta ni de Leon sa kanyang anak kaya kahit na hindi sila nagbebenta ng Blackpink merchs, ito na ang nagpresenta na silang bahala na maghanap ng ‘The Album’. 

Ang shop na 7for7Shoppe ay pag-aari nina Aly, Gab, at Ianna. Isa itong Kpop merch store na ang ibinibenta ay mga merch ng Kpop group na Got7. Sa Twitter, ibinahagi nito ang naging pag-uusap nila ng rider na si de Leon tungkol sa hinahanap nitong regalo para sa anak.


Ayon kay de Leon, ang pinapabili ng anak na ‘The Album’ ay ang unang gamit o merch daw ng anak ng grupong Blackpink. Kaya naman, para mas sumaya pa ang anak nito ay minabuti nina Aly na bigyan na rin ng iba pang mga Blackpink merch ang anak ng rider.

Kaya naman, laking tuwa ni de Leon para sa tulong na ito sa kanya ng shop nina Aly. Maging ang anak daw nito ay hindi na rin makatulog dahil sa magandang balita para sa kanya ng kanyang tatay.


“Sige po ma'am… salamat po ulit… ayaw na yatang matulog ngayon habang binabasa niya ‘yung text niyo,” ani pa nga ni de Leon kina Aly.

Libreng ibinigay nina Aly ang ‘The Album’ at ilan pang mga posters at photo cards ng Blackpink sa anak ni de Leon dahil ani ng mga ito, regalo na lamang nila ang mga ito para sa ika-15 na kaarawan ng anak ng rider.


Ayon kina Aly, alam umano nila kung gaano kasaya ang mararamdaman ng Kpop fan na anak ni de Leon dahil bilang mga fan din ay naranasan na nila ito. Kaya naman, masaya ang mga ito na mayroon silang kapwa Kpop fan na napasaya.

“...I think na albums are expensive talaga. It's not for all kumbaga. So sa 'kin parang instead of selling it, why not just give it instead. Kasi po birthday din naman ng one (GOT7) member nung day na ‘yun (Tito Jaebeom), so celebration na rin po sana… 

“We are fans too kaya alam namin the happiness it could give to someone. And cute kasi talaga ng dad, ang supportive,” saad pa tungkol dito ni Aly.

Ayon sa shop, nasa mahigit Php1,000 umano ang presyo ng lahat ng mga Blackpink merch na ibinigay nila sa anak ni de Leon.




Samantala, nang maging viral naman ang tungkol dito, napasabi na lamang ng ‘Sana All’ ang maraming mga Kpop fans din dahil sa mga libreng natanggap ng anak ni de Leon at sa pagkakaroon nito ng ‘supportive’ na tatay.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment