Monday, February 15, 2021

Aso na Binabantayan ang Puntod ng Kanyang Namayapang Amo, Nagpaantig sa mga Netizen


Saksi ang netizen na si Blanche Jotie sa nakakaantig na tagpong ito ng isang aso na binabantayan ang puntod ng kanyang namayapang amo. Nakuha ang atensyon nito ng nasabing aso na animo'y idinadaan sa pagbabantay ng puntod ang pagkamiss nito sa kanyang namayapang amo. 

Ayon kay Blanche, nitong ika-7 ng Pebrero, bandang alas 11 ng umaga ay nagpunta umano ito sa Heavens Garden sa Loakan, Baguio City. Dito niya umano napansin ang naturang aso na nang kanyang lapitan ay napagtanto niya na binabantayan pala nito ang kanyang namayapang amo. 

Base sa mga larawang kuha nito, makikita na hindi pa matagal mula nang mailibing ang binabantayan nito kaya marahil ay hindi pa ito matanggap ng aso at matindi pa rin ang pagkamiss niya rito.  Hindi naman nito naiwasan na maantig sa pagmamahal ng naturang aso sa amo nito. 

Kaya naman, ang maganda ngunit nakakalungkot na tagpong ito ay ibinahagi ng netizen sa Facebook kung saan, maraming mga netizen ang halos maiyak din dahil sa naturang aso. 

“We had a quick visit to our loved ones when this caught my attention. I took a closer look at her and to the one she has been guarding and then I finally understood…

“If you're a dog owner, you probably already know just how awesome dogs are. They fill your life with love, loyalty, fur, and plenty of reasons to smile… We'll catch up some other time doggo,” ani pa nga ng netizen sa kanyang FB post. 


Karamihan sa mga ito ay nag-alala rin sa kanilang mga alaga na alam nilang malulungkot din umano kung sakaling sila rin ay maunang mawala. Ito ay dahil alam ng sinuman lalo na ang mga mayroong alagang aso na kakaiba kung magmahal ang mga ito dahil nakadepende na ang kanilang buhay sa kanilang tagapag-alaga. 

Ito ang rason kaya maraming mga aso ang ilang taon na naghihintay pa rin para sa kanilang amo kahit alam nilang ito ay namayapa na. Kaya naman, ayon sa mga netizen, sana raw ay naaalagaan pa rin ang naturang aso kahit wala na ang amo nito at makayanan nito ang nararamdamang lungkot at pangungulila. 

Heto nga ang ilan pa sa mga nakakaantig na komento ng mga netizen tungkol sa asong ito:

“Eto 'yung masakit, eh! Kapag 'yung fur baby ang pupunta nang heaven, kaya ng taong mabuhay! Pero kapag 'yung fur baby ang naiwan, hindi nila alam 'yung gagawin. Nakakalungkot lang talaga, ikaw na kasi 'yung buhay nila.”

“Kaya lagi ko panalangin kay God na pagkalooban ako ng lakas ng katawan at haba ng buhay. Iniisip ko paano na sila 'pag wala na ako… mga pusa at aso ko.”

“Nakakaiyak ang ganitong eksena talaga, eh… Sana makayanan ni doggie 'yung pagkawala ng furparent n'ya.”

“I do hope the bereaved family will be able to adopt or took care of this loyal and lovable dog... God bless you, furr angel.”


“Kung binabantayan niya ang namatay na owner niya, grabe ang sakit na ang lungkot. Para sa akin, mas maigi pang maunang mamatay ang alaga ko kaysa sa akin kasi 'pag wala na ako, kawawa siya.”

Source: kickerdaily


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment