Monday, February 15, 2021

Isang Security Guard sa Hawaii, Nakatanggap ng Kotse Matapos na Isauli ang Napulot Nitong Pitaka


Dahil sa kanyang kabutihang loob at katapatan, isang biyaya ang inihandog ng publiko sa security guard na si Aina Townsend matapos nitong isauli sa isang kustomer ang nahulog nitong wallet na kanyang napulot. Si Townsend ay isang security guard sa isang lokal a grocery storte sa Kahului, Hawaii.

Ayon sa 22 taong gulang na si Townsend, nakita niya umano ang naturang wallet na naiwan sa isang shopping cart. Dahil alam niya umano ang pakiramdam na mawalan ng pitaka, minabuti nito na hanapin ang may-ari at isauli ang wallet nito. Ito raw kasi ang sa tingin ni Townsend ay tamang gawin. 

“You know, I lost a wallet before too and it's the worst thing in the world… I was just doing what I felt was the right thing to do,” saad pa ni Townsend.

Tatlong milya lang naman ang binyahe ni Townsend sakay ang kanyang bisikleta upang maabot ang bahay ng may-ari ng wallet na si Chloe Marino. Kaya naman, laking gulat na lamang umano ni Marino nang kumatok sa bahay nila si Townsend para isuali ang kanyang pitaka.

Ayon kay Marino, hindi niya man lang umano namalayan na nawawala pala ang kanyang wallet kaya ganoon na lamang ang pasasalamat niya sa security guard. Saad pa nga nito,


“I didn't even realize I had lost it. He definitely went out of his way for a complete stranger which was so amazing.”

Samantala, dahil nga sa kabutihang loob ni Townsend ay inalok umano ito ng kanyang mister na si Gray ng pabuya ngunit, mariin umano itong tumanggi at isinaad na nais niya lamang na maibalik sa may-ari ang napulot niyang wallet. Kaya naman, ganoon na lamang ang naramdamang paghanga ng mag-asawa kay Townsend.

“He’s like, 'No, no, no, I know what it’s like, I just wanted to return it before the holidays… He was humble, he was kind, and he went out of his way just to do a nice gesture. Words cannot do this gentleman justice. He truly is what is right on our island and in this world,” kwento pa ng asawa ni Marino.

Upang mabigyang pagkilala ang kabutihan ni Townsend ay minabuti na lamang ng mga ito na ibahagi sa Facebook ang kwento ng katapatan ng security guard. Isang kaibigan naman ng mag-asawa ang gumawa ng isang GoFundMe page upang kahit papaano ay makalikom ng pera para kay Townsend. 

Limang taon nang gamit ng security guard ang isang bisiketa bilang transportasyon kaya naman, plano ng mga ito na makalikom ng $5000 para mabilhan ng kotse si Townsend. Ngunit, dahil sa dami ng mga humanga rito ay umabot pa sa mahigit $25,000 ang kanilang nalikom na donasyon.

Tuluyan nilang nabilhan ng bagong kotse si Townsend bilang regalo para rito. Wala namang mapagsidlan ng tuwa si Townsend na hindi makapaniwala sa kanyang bagong 2017 VW Jetta. Ani pa nga nito,

“It means a lot. It's not only about having better transportation. I can do more stuff for my family now. That's the bigger part of the picture.|


Samantala, para sa natirang pera ay nais umano ng mga ito na tulungan si Townsend na magpalago ng pera para sa gagamitin nito sa hinaharap.

“I'm teaching Aina how to set up to start a nest egg for his future so he can learn how to build financial security by making that small amount of money grow into a large amount of money over time,” saad pa ng mga ito.


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment