Kamakailan lang, trending sa Facebook ang tungkol sa isang bata na umano’y nakakain ng tipak o bahagi ng isang metal na strainer na ginagamit sa kusina. Muntik nang ikapahamak ng bata ang pagkakakain nito sa naturang maliit o mala-sinulid na bahagi ng metal strainer kung hindi ito agad naagapan at nakuha ng doktor mula sa loob ng katawan ng bata.
Base sa mga larawang ibinahagi kaugnay ng naturang pangyayari, makikita na nakausli na ang ibang bahagi ng ginamit na metal na salaan kaya marahil hindi namalayan na nalaglag ang ilang bahagi ng metal na salaan sa pagkain at nakain ng bata.
Kaya naman, dahil dito kaya ipinapalaganap ang babala para sa mga magulang na dapat suriing mabuti ang kinakain o inihahain ng mga ito sa kanilang mga anak lalo na sa mga bata. Magdoble ingat umano ang mga ito sa pagsuri sa mga pagkain bago tuluyang ihain sa mesa.
“MAG INGAT! Lalo na sa mga magulang na may anak na maliliit pa lamang. Maging mapanuri ng inyong hinahain dahil baka ito ay makapahamak sa ating mga anak,” ani pa nga tungkol dito ng isang Facebook post.
Saad naman ng ilan, maging sa paghahanda ng pagkain ay maging mapanuri rin at maingat. Gamitin lamang umano ang mga kagamitan na maayos at walang sira. Huwag na umanong magdalawang isip ang mga nanay na palitan ang mga sirang gamit dahil baka mas lalo pa raw itong ikapahamak hindi lamang nito kundi ng kanila ring buong pamilya.
Agad naman na ikinabahala ng marami ang tungkol sa pangyayaring ito at inihayag na mas sisiguraduhin na nilang maayos ang kanilang mga gamit sa pagluluto at susuriing mabuti ang pagkain bago ihain ang mga ito.
Hindi naman maiwasan ng iba na maawa sa naturang bata na nakalunok o nakakain ng naturang metal na bahagi ng salaan. Ani ng mga ito, hindi raw nila lubos maisip kung gaano kasakit ang naramdaman ng bata lalo na noong nasa lalamunan na nito ang matulis na metal.
Ani naman ng ilan, napakadelikado umano sa mga bata ng ganitong pangyayari dahil hindi lahat ng mga bata ay naipapahayag ng maayos ang kanilang gustong sabihin gaya na lamang sa tuwing nasasaktan ang mga ito. Dahil rin umano dito kaya hindi agad naiintindhan ng mga magulang ang nararamdaman ng kanilang mga anak.
Kaya naman, pinakamainam umano na gawin ay ang magdoble ingat sa pagluluto at maging mas mapanuri sa paghahain ng pagkain para sa pamilya.
Heto nga ang ilan sa mga payo at reaksyon na inihayag ng mga netizen tungkol dito:
“Mas maganda kung plastic na salaan ang gamitin. Makikita mo agad kung may dumi or anuman sa pagkain. Ingat-ingat din po tayo sa pagbibili ng kinakain natin sa araw-araw.”
“Huwag nang manghinayang! Ibasura na at bumili ng bago!”
“Hindi lang po sa pagkain. Barya na nahulog sa bed, baka malunok ni baby. Buto ng kahit anong prutas, baka maipasok sa ilong. Wrapper ng candy/pagkain, etc!”
“Sa steel wool din, ‘yang local na klase madali mapolpog. Dapat banlawang mabuti.”
“Kapag sira na, itapon na lalo na kapag ginagamit sa pagkain.”
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment