Friday, February 5, 2021

Barbie Imperial, Biktima rin ng Nagpapakalat ng mga Pekeng Hub4d na Larawan; Aktres, Naglabas ng Hinaing!

Hindi na rin natiis ng aktres na si Barbie Imperial ang ginagawang pagpapakalat ng pekeng larawan nito na inedit upang lumabas na wala itong suot na kahit ano.

Sa Instagram, inilabas ng aktres ang kanyang galit sa mga taong gumawa nito at nagpakalat ng peke niyang larawan na ginawang nude photo. Gigil na inihayag dito ng aktres ang kanyang galit sa taong makikitid ang utak na nambibiktima sa kanila.

“Reposting this photo because people are messaging me about this photo (2nd photo). Grabe, sobrang stupid naman. You really think I’ll post a photo like this? Sa lahat ng nagshashare nito, ANG LALA NYO. 

“And sa lahat ng nagbabash and madaming sinasabi sakin dahil sa picture na to, ANG TANGA LANG. Wala na ba kayong magawa kundi mag edit ng photos ng mga babae at gawing nude photo? 

“Paisa lang po, dahil nakakagigil talaga yung gumawa nito. Ilang babae pa ang magiging biktima ng mga makikitid nyong utak?! Itigil nyo na, wala kayong ambag,” ang ani pa nga rito ni Barbie.

Samantala, bago si Barbie ay nauna na ring naglabas ng kanilang gigil at galit ang mga aktres na sina Maris Racal at Sue Ramirez matapos na maging biktima rin ang mga ito ng parehong pangyayari. Isang larawan din kasi ng dalawa ang inedit para gawing animo’y hubad na larawan at ipinakalat.


“Kung sino man ang nag-edit nun, wala kang utak. Itigil na ang pambabababoy ng katawan ng mga babae. Pagaari namin ‘to. 2021 na, manyak ka pa rin? Magbago na,” ang nanggigigil pa ngang saad ni Maris tungkol dito.

Ayon naman kay Sue, ‘wag daw basta-bastang maniwala ang mga tao tungkol sa naturang pekeng larawan dahil tanga lamang ang maniniwala na totoo ang nga ito. Sana umano ay magkaroon naman ng respeto ang mga ito at itigil na ang pagpapakalat sa naturang pekeng larawan.

“Ewan ko ba kung anong dahilan at pinuputakte niyo kami ng ganito Wag ko lang mahanap ang nagpapakalat ng kung ano-anong katarantaduhan na to. Ayoko na sanang magsalita pero ginagambala niyo ang katahimikan ng buhay ko. Umayos kayo.

“At ‘wag tanga pls. ‘Wag basta bastang naniniwala sa mga nakikita online. Hindi kayo pinalaking uto uto. Pls lang… 

“Sumosobra na kayo. Sa mga nakakatanggap ng picture, siguro naman may delikadesa at respeto kayo enough to know na dapat hindi na kumalat pa ang pambababoy na ito,” ani pa nga ni Sue.

Kaugnay naman ng pangyayaring ito ay naglabas na ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN at Star Magic kung saan, mariin nilang kinondena ang pagmamanipula at pagpapakalat ng naturang mga larawan.

Ayon sa mga ito, hindi raw sila magdadalawang-isip na kumilos at sampahan ng kaso ang sinuman na nasa likod ng ilegal na pag-eedit at pagpapakalat ng pekeng mga larawan na ito. Saad pa nito sa kanilang opisyal na pahayag,


“Nakikiusap kami sa lahat na itigil na ang pagpapakalat ng mga pekeng litratong ito sa social media… Hindi kami magdadalawang isip na gumamit ng ligal na aksyon laban sa mga gumawa nito at sa kahit sinong magpo-post, mamamahagi, o kokopya ng mga litratong ito…”

Source: INQUIRER


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment