Thursday, February 4, 2021

John Estrada, Binisita ang Kaibigang si Willie Revillame sa Tagaytay Para… Magpautang?


Noon pa man, kilala nang magkaibigan sina Willie Revillame at John Estrada na madalas magkasama noon. Kasama ang kilala ring artista mapa-hanggang ngayon na si Randy Santiago, naging hosts ang tatlo ng show na ‘Magandang Tanghali Bayan’ mula 1998 hanggang 2005.

Dahil nga matalik na magkakaibigan mula pa noon, binisita kamakailan lang ni Estada ang ‘Wowowin’ host sa napakaganda nitong resort sa Tagaytay kasama ang kanyang pamilya. Dito, masayang nanatili ang aktor sa resort ni Revillame at nagawa pang makipagbiruan dito.

Sa mga ibinahagi nitong Instagram stories, ipinakita ni Estrada ang malawak na resort ni Revillame pati na rin ang mg nakaparada nitong mamahaling mga sasakyan. Hindi man nito maitago ang pagkamangha sa lugar, nagawa naman nitong biruin ang kaibigan na sinakyan din naman ni Revillame.

Sa video, ayon kay Estrada ay nagpunta raw ito sa naturang reosrt ay upang pautangin ang kaibigan nito na walang-wala umano ngayon. Sinakyan naman ni Revillame ang trip na ito ng kaibigan at nagpanggap din na animo’y malungkot at lugmok dahil walang-wala na nga itong pera.

Biro ni Estrada dito, kawawa naman umano si Revillame kaya pauutangin niya na lamang daw ito. Natawa na lamang din ito dahil sa mala-totoong acting ni Revillame habang sinasakyan ang kanyang biro.


“Hello, mga kaibigan. Andito ako ngayon sa resort ng aking matalik na kaibigan na walang walang pera. Kita niyo naman ‘yan, o. So, siguro naman, alam niyo na kung kanino ‘to, diba?

“Gwapong gwapo pa rin. Mukhang walang pera, kawawa. Pauutangin ko ‘to! Kaya ako pumunta dito dahil pauutangin ko siya… ayan o. Walang kapera-pera. Kawawa, mukhang kawawa. Iyong relo nito, ewan ko parang… sos kawawa!

“Grabe ‘tong lugar na ito, o. Susmaryosep! Walang wala, eh. Walang-wala itong kaibigan ko, o. Pautangin ko lang,” natatawa pa ngang saad ni Estrada sa kanyang IG story.

Bagama’t biro lamang ito ni Estrada sa kaibigan, alam naman ng lahat na malayo sa sinasabi nito ang totoong estado ni Revillame na isa sa maituturing na pinakamayamang artista sa industriya. Ngunit, sa kabila nito ay kilala rin si Revillame sa kanyang pagiging matulungin sa mga mahihirap.

Samantala, maliban sa pagbisita sa nakakamanghang resort ng kaibigan, gamit din ang helicopter na pag-aari ni Revillame ay hinatid sila nito sa Puerto Galera. Sa video na ibinahagi ng aktor, makikita na inaalalayan pa ang mga ito ng host bago lumipad papunta sa Puerto Galera.

Sa pagdiriwang naman kamakailan lang ng ika-60 kaarawan ni Revillame, isa sa mga surpresang bumati dito ay si Estrada. Sa kanya namang show ay sinariwa ni Revillame ang kanilang pinagsamahan ng kaibigan gaya na lamang ng madalas umano nilang pagkakasuspende sa ere dahil sa kalokohan noon nila ni Estrada at Santiago sa kanilang show na MTB.

Maliban dito ay makikita rin sa isang IG post ni Santiago n personal nilang binisita ni Estrada si Revillame para nga sa kaarawan nito. Kagaya ni Revillame ay inalala din ni Santiago ang kanilang magandang samahang tatlo na magkasama sa kanilang show noon. 


“Sarap balik-balikan ang aming mga pinagsamahan. Mga panahong tumatawa sa mga nakakatuwang kalokohan sa 'MTB' at umiiyak dahil lagi kaming suspended ng MTRCB. Kuwentuhang walang katapusang tawanan,” saad pa nga tungkol dito ni Santiago.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment