Bagama’t mahigpit itong kinokondena at hinihimok na itigil, hindi na bago para sa marami ang usapin ng ‘child marriages’ kung saan, ikinakasal ang mga napakabatang babae sa mga lalaking matatanda o mahigit sa dalawang beses ang tanda sa kanila.
Kaya naman, agad na kinagalit at umani ng maraming mga pambabatikos mula sa mga netizen ang viral na larawang ito ng animo’y isang kasal na namagitan sa isang lalaki at babae na halos limang beses ang bata sa kanya.
Nangyari umano ito sa Lebanon kung saan, isang 12 taong gulang na babae ang animo’y ikinakasal sa isang napakatandang lalaki. Kaya naman, agad na pinutakte ng galit na mga netizen ang naturang larawan dahil sa panggagalaiti ng mga ito sa nangyari raw na ‘child marriage.
Ngunit, hindi pala umano totoong kasal ang nasa naturang mga larawan. Ang dalawang makikita rito ay mga aktor lamang umano na binayaran upang gawin ang isang proyekto. Kaya nagmukhang ikinakasal ang mga ito sa larawan ay dahil layunin ng naturang proyekto na matigil ang child marriages.
Kaya kung tutuusin, kaisa umano ng mga netizen ang nasa likod ng naturang larawan na bahagi ng isang kampanya upang maipalam sa marami ang tungkol sa problemang ito at magkaroon ng pagkakaisa upang tuluyan na itong matigil.
Ang naturang mga larawan na kumalat ay bahagi umano ng ginagawang campaign video ng campaign group na KAFA. Dito, nagbibigay kaalaman ang grupo tungkol sa sensitibong usapin ng ‘child marriage’ at ikinakampanya na matigil na ang ganitong gawain.
Sa Lebanon mismo kung saan ginawa ng campaign video ay talamak pa rin ang ganitong gawain sa kabila ng apela na hindi ito tama at dapat nang itigil. Kabi-kabila man ang pagsulong na maitigil na ang child marriages, hindi pa rin maikakaila na nangyayari pa rin ang gawaing ito.
Sa katunayan, hindi lamang ito nangyayari sa bansang Lebanon kundi pati na rin sa mga bansang Iraq, Iran, Syria, at India. Kadalasan, kahirapan umano ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, sa kabila ng modernong panahon, ay nangyayari pa rin ang ganitong tradisyon.
Base nga sa inilabas na datos ng isang pag-aaral, umaabot umano sa 37,000 na child marriages araw-araw ang nangyayari sa mundo. Kaya naman, puspusan din ang ginagawang kampanya laban sa ganitong uri ng tradisyon.
Kaugnay nito, alam mo ba na sa bansang California ay walang itinakdang edad ang mga ito kung kailan pwedeng magpakasal ang isang babae o lalaki? Ibig sabihin, kahit anong edad ay pwede umanong magpakasal ang mga tao rito nang walang anumang pagtutol. Ang kailangan lamang nilang makuha ay ang pagsang-ayon ng kanilang mga magulang at approval din ng isang superior court judge.
Gayunpaman, kaiba pa rin ito sa mag child marriages kung saan, pwersahan ang ginagawang pagpapakasal ng isang batang babae sa lalaking pwede na nitong maging tatay o lolo dahil sa layo ng kanilang edad.
Kadalasan, wala pa sa tamang pag-iisip ang batang babae o di kaya ay hindi pa nito kayang magdesisyon sa sarili ngunit, ipinapakasal na ang mga ito. Kaya naman, matagal nang ikinakampaya na matigila ang nasabing tradisyon.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment