Sunday, February 21, 2021

Tubig Dagat sa Ilang Barangay sa Ozamiz City, Naging Kulay Pula!


Ikinagulat ng mga residente ng Barangay San Roque at at Barangay Baybay Santa Cruz sa Ozamiz City ang umano’y pagiging kulay pula ng ilang bahagi kanilang mga tubig dagat. Base sa mga larawan ng kanilang tubig dagat na kumakalat ngayon sa social media, naging kulay pula nga ang kanilang katubigan kaya lubusan itong ikinabahala ng mga residente ng lugar.

Palaisipan ngayon sa mga residenteng ito kung ano ang sanhi ng pag-iba ng kulay ng kanilang tubig-dagat. Iba’t-iba ang naging teorya ng mga ito at maging ng ilang mga netizen na nagulat din sa pagiging kulay pula ng katubigan ng mga barangay na ito sa Ozamiz City.

Mayroong iilan na nagsasabing maari umano itong isang palatandaan ng isang ‘signos’ na paparating. Mayroon ding ilan na nagsasabing ang naturang pangyayari ay mababasa umano sa bibliya.


Samantala, mayroon ding ilan na nagsasabi namang isa umanong itong natural na pangyayari na sanhi ng mga harmful umano na ‘algal bloms’. Ayon naman sa iilan, maaaring dahil lamang umano ito sa dumi ng kanilang katubigan. Mayroon namang ilang mga netizen na naging simple lamang ang paliwanag o teorya sa nangyari gaya na lamang ng baka mayroon lamang umanong natapon na kulay pulang ‘substance’ sa kanilang katubigan gaya ng gasolina.


Ang pangyayaring ito ay unang beses na nangyari sa lugar kaya ganoon na lang ang pagkabigla at pagkabahala ng mga residente ng mga apektadong barangay kung saan naging pula nga ang ilang bahagi ng kanilang katubigan.

Gayunpaman, dahil sa nangyari ay nagsagawa na umano ng pagsusuri ang mga espesyalista ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR upang alamin ang sanhi ng pagpula ng katubigan sa ilang mga barangay na ito sa Ozamiz City.


Kumuha na umano ng mga sample ng apektadong tubig doon ang lokal na pamahalaan ng Ozamiz City, ang mga kapulisan ng Ozamiz Maritime Police Station, Philippine Coast Guard, at maging ang Philippine Ports Authority ng Ozamiz City. 

Hinihintay na ngayon ng marami kung ano ang magiging resulta ng mga gagawing pagsusuri at nang malaman na kung ano ang sanhi ng pangyayaring ito.

Samantala, heto naman ang iba’t-ibang opinyon na inilahad ng mga netizen kaugnay ng pagpula ng katubigan sa ilang barangay na ito sa Ozamiz City:

“Algal bloom siguro. Rapid increase of algae. Minsan color green, yellowish brown or red.”

“This is because freshwater algae accumulate rapidly in a body of water, resulting in its discolouration at the surface — sometimes turning it purple, pink, red or green. Doesnt mean maghuhukom na.”


“Naganap na ang sinabi sa bible. Jusko, wag naman sana. Hindi pa nga tayo nakaka-recover sa pandemic tapos ito na namn. Baka ito ‘yung nangyari sa bible. Nagkulay dugo at ganitong ganito ang nangyari sa panahon ni Moises. Jusko maawa ka sa sanlibutan. Amen.”


“Bakit kailangan gawing katawa-tawa ‘yan? Sa dami ng nangyayari sa mundo, hindi ba pwede magdasal nalang na walang masamang senyales na ipinahihiwatig ang pagpula ng tubig na yan!!”

“Red Tide tawag diyan. Bawal kang kumain kahit anong uri ng hayop sa dagat especially shell during that time. Malalason ka.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment