Friday, February 5, 2021

Maduming Pagawaaan ng Candy sa Malabon, Inireklamo kay Tulfo


Mga empleyado mismo ng Fruittiland Food Corporation, isang parika o pagawaan ng candy, ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang nasabing pagawaan dahil sa dumi at dugyot umano ng produksyon sa lugar. 

Ang naturang pabrika ay matatagpuan umano sa Goldendale Ave., Tinajeros, Malabon at gumagawa ng iba’t-ibang klase ng mga candy katulad na lamang ng mga gummy bears at jelly gum. Sa mga kuhang video sa lugar, makikita kung gaano kadumi ang pagawaan at ang proseso ng mga ito ng paggawa ng candy.

Hindi na umano ito matiis ng naturang mga empleyado kaya nila ito inirereklamo. Wala raw umanong ginagawa ang may-ari nito na isang Chinese National para malinis ang lugar at sa tuwing mayroon naman umanong inspeksyon ay hindi umano pinapapasok ang mga ito sa madumi nilang produksyon. 

Maliban dito, isa rin sa inirereklamo ng naturang mga empleyado ay ang hindi umano maayos na pagpapasweldo sa kanila ng pagawaan. Maliban sa maliit na sweldo ay wala ring benepisyo ang mga ito kahit na nitong pandemya.

“Sa tagal po naming nagtatrabaho sa pabrika po, walang awa po kasi ‘yung boss namin, sir. Wala man lang pong benefits, 13th month pay. Noong pandemic wala man lang pong binigay. Mga holidays po, wala po… lahat lahat po. At lalo po wala po kaming mga payslip kaya di namin po alam ‘yung mga sahod po namin na maayos po. 


“Tapos wala po kaming sariling locker po kasi maraming nawawalan ng pera po. Gusto lang po namin na mabayaran po kami ng tama,” pahayag pa ng isa sa mga nagrereklamong empleyado ng naturang pagawaan.

Ayon sa mga ito, sa isang araw ay kumikita lamang sila ng mahigit Php 400 ngunit kung pakyawan naman ay nasa Php300 lamang. Sa isang linggo, matapos ang araw-araw na pagtatrabaho ng siyam na oras ay kumikita lamang sila nga mahigit sa Php 2,000.

Kaya naman, dahil sa mababang pasahod na ito ng kanilang amo ay nagdesisyon ang naturang mga empleyado na magkaisa upang ireklamo ang nangyayaring ito sa kanila. Matagal na umano itong nangyayari ngunit, wala raw kasing naglalakas ng loob dati na maghayag ng kanilang hinaing.

Bilang tugon naman sa reklamong ito ng mga empleyado, kumonsulta si Tulfo sa City Admin ng Malabon na si Atty. Voltaie dela Cruz. Dito, ayon kay dela Cruz ay pai-inspeksyunan nito ang naturang pabrika sa lalong madaling panahon at ipasasara dahil sa madumi nitong paligid na isang paglabag sa panuntunan.

Ayon naman kay Tulfo, sisiguraduhin niya rin umano na mapapasara ang naturang pabrika at hindi makakabalik sa operasyon hangga’t hindi nito naipapasa o nasusunod ang dapat na kalinisan. 

Tutulungan din daw ni Tulfo ang naturang mga manggagawa ng pabrika na maibigay sa kanila ang karampatang sweldo na kanilang inirereklamo. Saad pa nga ni Tulfo sa mga ito,

“Sa araw na ito, guaranteed 100% mapapasara ‘yung factory niyo. At the same time, kayo po ay makakausap ng munisipyo nang sa gayon maibigay po ‘yung mga nararapat ibigay sa inyo na hindi naibigay nung kompanya tulad nitong mga benefits at 13th month pay…


“Dahil kapag hindi nila naibigay ‘yun, hindi na sila pabubuksan. They will be closed forever. That, I guarantee you.”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment