Friday, February 5, 2021

Video ng Isang Batang Nangangatwiran sa Kanyang Kuya, Trending Online!


Trending at kinaaliwan ngayon ng mga netizen ang videong ito ng isang cute na cute na bata na animo’y isang abogado habang ipinagtatanggol nito ang isang kapatid na pinagagalitan ng kanilang kuya.

Sa naturang viral video, makikita ang madiing pangangatwiran ng apat na taong gulang na batang si Kaye Anciado Casabal matapos na umano’y pagalitan ng kanyang kuya ang kanyang nakababatang kapatid na si Jethro.

“Kahit na ikaw ang kuya, ‘wag mong aawayin!

“Kahit na matanda ka pa rin, hindi ka pa rin pwedeng mang-away kasi kapatid mo ‘yun. Bakit mo inaaway, akala mo, hindi mo ‘yun kapatid. Pero nasasaktan ang kapatid mo sa mga ginagawa mo,” ani pa nga ni Kaye sa kanyang kuya.

Katwiran naman kay Kaye ng kuya nito, siya raw kasi ang kuya kaya ayos lang na pagalitan nito ang kanilang kapatid. Ngunit, idiniin ni Kaye na kahit kuya raw ito ay dapat na hindi niya pa rin daw ito inaaway o pinagsasabihan kasi nga raw ay bata pa naman ang kapatid.

“Bakit mo siya pinagsasabihan? Batang-bata pa. Kung masasanay, ‘wag mong paluin. Kahit na ikaw ang kuya! Pabalik-balik ka ng mga sinasabi mo. ‘Eh ako ang kuya! Ako ang kuya! Ako ang kuya!’,” ani pa ulit dito ni Kaye.

Kaya naman, dahil sa pagtatanggol umano nito sa kapatid, ayon sa kuya ni Kaye ay ito na lamang umano ang kanyang papaluin. Matapang na sagot naman dito ng bata,

“Paluin mong sarili mo kung gusto mo!”


Dagdag katwiran pa nga ng bata, hindi naman daw ang kuya niya ang kanilang boss kundi ang kanilang tatay kasi daw magulang nila ito at magkakapatid lamang sila ng kanyang kuya.


Kaya naman, dahil sa nakakamanghang ugali na ito ng bata ay agad na naging viral ang video na ito ni Kaye na kinunan ng kanyang ate na si Kathleen. Paglilinaw naman ng mga ito, bagama’t mayroong nabanggit na paluan sa video, wala umanong totoong sakitan na naganap dahil sinubukan lamang umano nila ang galing ni Kaye sa pangangatwiran.

Manghang-mangha naman sa batang ito ang maraming mga netizen na napabilib sa galing ni kaye na idepensa ang kanyang paniniwala. Ani ng mga ito, bihira raw sa bata ang mayroong ganitong pangangatwiran kaya malaki daw ang posibilidad na maging isang magaling na abogado si Kaye paglaki nito.

Komento pa nga rito ng ilang mga netizen:

“Ang galing mo, Neng! Parang matanda kung magsalita. Iyan ang mga taga-Batangas. Maliit pa, may values na at nangangatwiran ‘pag tama sila. Love you, Neng!”

“Very clever and objective at the same time. Nice try, baby. Thank you for bringing up your thoughts on how should siblings love and defend each other. You will be a great ate and a mother someday. Keep safe baby.”

“Hahahah ang cute para siyang si Serena Dalrymple. ‘Yung pagiging bibo at matabil niya sa "Bata-bata Pano ka Ginawa!" Naalala ko si Serena D. Ang cute!”

“Her consistency to defend her point of view was so constructed… the justification of thought was well formulated… which is not very common among children. Kudos to the parents of this clever and adorable girl. I was moved by her. Be a good girl and keep safe. Godbless you.”


Samantala, panoorin naman dito ang buong viral video ni Kaye at humanga sa galing nito sa pagdepensa sa kapatid:

Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment