Monday, February 22, 2021

Php800,000, Kinita ng Isang Livestreamer na Natulog Lamang Magdamag


Isang 26 taong gulang na livestreamer mula Los Angeles ang naging viral at popular kamakailan lang matapos nitong kumita ng $16,000 sa isang gabi lamang na pagtulog nito na kanyang ini-livestream.

Ito ay ang livestreamer na kilala sa pangalang Asian Andy. Gamit ang stremaing platform na Twitch, ini-livestream nito ang kanyang pagtulog kung saan, kumita lang naman siya ng katumbas na perang Php800,000. 

Puyat lamang ang naging kapalit ng kitang ito ni Andy dahil sa maya’t-mayang pang-iisturbo sa kanya ng mga viewers nito. Sa tinatawag kasi na ‘sleep stream’, gamit ang text-to-speech recognition, sa bawat donasyon ay ini-istorbo ng kanyang mga viewers ang tulog ni Andy gaya na lamang ng pagpapatugtog ng malakas na mga tunog o di kaya ay tunog ng mga tumatahol na aso.

Mayroon din iilan na pinapatunog ang alarm clock ni Andy. Kaya naman, dahil sa iba’t-ibang mga pang-iistorbong ito ay hindi halos nakatulog ang streamer. Gayunpaman, hindi naman biro ang laki ng pera na naging kapalit ng lahat ng ito.

Sa halagang $16,000, maging si Andy mismo ay hindi makapaniwala na ganito kalaki ang naipon niyang pera mula sa donasyon ng kanyang mga viewers. Ani nito, hindi raw nito inasahan na ganito kababait at kalaki ang ibibigay sa kanyang donasyon ng mga ito.


Kaya naman, malaki ang pasasalamat niya sa donasyon at suporta na ibinigay ng mga ito sa kanya. Bago maging isang livestreamer, bilang nagtatrabahong isang Uber driver ay kumukita lamang siya ng $16 kada oras. Ngayon, sa isang gabi lamang ay malayong malayo na ang kanyang kita mula sa dating trabaho.

“Thank you so much… I used to drive Uber for $16 an hour,” ani pa nga ni Andy sa kanyang YouTube Channel.

Gayunpaman, hindi lamang si Andy ang sikat na streamer na gumagawa ng ‘sleep stream’. Ilan pa sa mga kilala rin sa ganitong uri ng streaming ay si ‘Ice Poseidon’ na kumita lang naman ng halos $5000 sa walong oras nitong pagtulog dati. Kilala rin dito ang mga streamers at YouTubers na sina Tyler Krause at Alex Shannon.

Samantala, dahil likas na mapagbiro ang mga Pinoy, hindi naiwasan ng mga ito na ikumpara ang kinita ni Andy sa mga kita umano ng mga Pinoy sa Pilipinas. Karamihan pa sa mga ito ay binigyang kahulugan ang kanilang mga biro na mayroong kaugnayan sa mga anomalyang nangyayari sa Pilipinas.

Heto nga ang mga nakakatawa ngunit malamang komento ng mga netizen sa Pilipinas tungkol sa viral na livestreaming ni Andy: 

“Sa US magstream ka ng tulog kikita ng 800k? Wala ‘yan dito sa Pinas. Maging opisyales ka lang sa Philhealth, matic 15B!”

“Sana all pag gising may pera. Ako wala na nga pera, may muta at panis na laway pa. Masaklap, gutom pa pag gising.”

“Sa Pilipinas, halos magkanda luwa luwa na dede ng mga ibang online seller, hirap pang kumita ng 800 pesos!”


“Lalayo pa ba tayo? Napakadami ng mga opisyales sa gobyerno ang kumikita ng milyon milyon na nagtutulug tulugan lang1”

“Si Sir nga eh. Naka log-in sya from 8AM to 5PM pero wala siya sa office. Tapos, 45K ang sahod kada buwan.”

Source: businessinsider


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment