Tuesday, February 23, 2021

Tatay, Tulak ang Wheelchair ng Anak sa Pagkuha Nito ng Board Exam; Mga Netizen, Naantig sa Pagmamahal ni Tatay sa Kanyang Anak


Isang nakakamangha at nakakaantig na kwento ang ibinahagi kamakailan lang ng isang netizen tungkol sa walang katumbas na pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak. Viral ngayon ang naturang kwento tungkol sa isang tatay na tinulak ang wheelchair ng anak na kumuha ng board exam.

Isa rin umano ang netizen na si Sheila sa mga kumuha ng board exam nang araw na iyon kaya napansin niya umano ang isang tatay na naghihintay sa labas. Sa isip umano noon ni Sheila, napaka-supoortive umano ni tatay dahil naghihintay talaga ito sa labas para sa kanyang anak.

Ayon kay Sheila, isa umano ito sa mga pinakahuling natapos sa exam kasama ng isang lalaking nakawheelchair at dalawang iba pang babae. Kaya naman, nang makalabas umano siya sa silid kung saan siya kumuha ng exam, nagulat ito nang naroon pa rin si tatay.


Habang hihintay ang kasama, nginingitian umano siya nito, hanggang sa maikwento umani nito na nasa loob din ang kanyang anak at isa sa mga kumukuha ng exam. Dito na napag-alaman ni Sheila na ang hinihintay nitong anak ay ang lalaking naka-wheelchair na nasa loob pa rin.

Pagbabahagi ni Sheila, kita niya umano kung gaano ka-proud si tatay habang sinasabing ang anak nito ay kumukuha ng exam. Pagkukuwento nito kay Sheila, mula unang taon sa kolehiyo ay tulak tulak na umano nito ang wheelchair ng anak hanggang ngayong kumukuha na ito ng board exam.

Kaya naman, halos maiyak umano si Sheila sa ibinahaging ito sa kanya ni tatay. Ani nito, dama niya umano ang ginawang sakripisyo at pagmamahal ni tatay para sa kanyang anak. Pagbabahagi pa nito sa pangyayari,


“Lumabas na ako para hintayin ‘yung kasama ko. Ngitian ako ni Tatay kaya ngumiti din ako sa kanya. Bungad n'ya... "Nag eexam sa loob ang anak ko eh." Tila proud na proud siya. "Ay talaga po? Sino po ang anak niyo d'yan, Tay?" “Yun oh!" Sabay turo sa may bintana. 


“Si Sir pala na naka-wheelchair ang anak nIya. "Mula 1st year yan hatid sundo ko na 'yan. Hanggang ngayon na board n'ya."

“Gusto kong maiyak. Dama ko ‘yung sakripisyo ni Tatay at ng lahat ng mga magulang para sa mga anak nila. Yung kaya nilang gawin ang lahat nang walang pagkapagod o pagkainip.”

Sa mga larawan pa na ibinahagi ni Sheila, makikita kung paano matiyagang hinintay ni tatay ang kanyang anak. Ayon kay Sheila, dasal niya raw na makapasa ang anak ni tatay dahil siguradong walang katumbas ang magiging tuwa nito para sa anak.

Sana rin daw ay mabiyayaan pa ng malakas na katawan si tatay dahil sa pagiging mabuti nitong ama at pagpapamalas nito ng kanyang pagmamahal sa anak. Hindi lamang si Sheila kundi maging ang mga netizen ay saludo sa ipinamalas na ito ni tatay.


Ani pa ng mga ito, napakswerte umano ng anak ni tatay at nagkaroon ito ng isang ama na handa itong suportahan sa anumang bagay at handang magsakripisyo para rito. San araw ay maging inspirasyon si tatay sa iba pang mga ama at tularan ang pagmamahal nito sa kanyang anak.


Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment