Nakatira na muna ngayon sa kanyang tiyahin si Valentine Rosales, o Alain Dayanan Chen sa totoong pangalan, matapos na itakwil at palayasin ito ng kanyang amang Tsino.
Ito ay dahil sa pagkakasangkot ni Valentine sa umano’y kaso ng pagpatay sa kaibigan nitong si Christine Dacera kung saan, nalantad din sa publiko ang maraming mga bagay tungkol dito kabilang na ang kanyang tunay na kasarian.
“Nung weekend po, pumunta po ako sa bahay ko kung saan po ako nakatira kasama ko yung dad ko. Ayun, nakaempake na po lahat ng gamit ko, kinuha ko na lang po. Siya na po ang nag-empake.
“Inutusan po niya yung katulong. Siya na po ang nag-ayos ng gamit ko, kasi ayaw na niya po ako sa bahay… Kasi nga po, umamin na po ako sa tunay kong kasarian. Hindi po niya matanggap, e,” pagbabahagi pa ni Valentine sa isang panayam dito kamakailan lang.
Si Valentine at ang 11 pang iba ay kasama ni Christine na nagcheck-in sa isang hotel sa Makati at nagdaos ng New Year’s Eve party. Sa pagkamatay ng flight attendant na kaibigan, sina Valentine at ang mga kaibigan nito ay inakusahang suspek ngunit, idinidiin nila na walang nangyaring foul play sa pagpanaw ni Christine na tumugma naman sa lumabas na paunang imbestigasyon ng kaso.
Dahil sa pagkakadawit ni Valentine sa kaso, maliban sa pagtatakwil sa kanya ng ama nito ay apektado rin pati ang kanyang trabaho sa bangko. Malaki ang epekto ng pagdadawit sa kanila sa kaso ng kaibigan sa kanilang mga buhay at reputasyon.
“Hindi pa po ako pwedeng magtrabaho dahil po sa nangyari na ito. Asikasuhin ko po yun lahat pag natapos na po ‘tong kasong ‘to, at mapatunayan na wala po kaming sala,” pagbabahagi pa nito.
Si Valentine ay isang Filipino-Taiwanese at nag-iisang anak lamang na lalaki ng kanyang mga magulang. Kaya naman, dahil nga sa pag-amin din nito ng kanyang totoong kasarian dulot ng eskandalo na kinasangkutan sa kaso ng pagkamatay ni Christine, itinakwil ito ng amang Tsino na hindi tanggap ang kanyang kasarian.
“Ang mama ko po, feeling ko, may idea na po siya. Pero nawala na po siya nung 2012. Hindi naman po napapag-usapan… kasi yung papa ko po, Intsik, very close-minded, istrikto po. Hindi naman po kami close ng papa ko, kaya hindi po ako nag-o-open sa kanya.
“Hindi na niya ako in-accept as his son. Malas po kasi sa Chinese yun, and ako lang ang only son. Tatlo po kasi kaming magkakapatid, ako yung gitna sa dalawa niyang daughters,” kwento pa ni Valentine.
Ayon kay Valentine, sana raw ay mabigyang linaw na ang kaso at mapatunayan na walang nangyaring foul play sa pagpanaw ng kaibigan. Sana rin daw ay matanggap na ng ina ng kaibigan na walang silang kasalanan sa nangyari kay Christine.
Higit sa lahat, umaasa ngayon si Valentine na matanggap siya ng kanyang ama sa kabila umano ng disappointment na naiparamdam niya rito. Saad pa nga nito,
“I hope na ma-accept niya ako in time. Alam kong mahirap, kasi ako lang ang son niya, mataas ang expectations niya sa akin. Pero ‘yun po kasi ang pagkatao ko. Hindi ko naman siya ipu-force, kasi kasalanan ko rin na na-disappoint ko siya. I feel sorry for what happened.
“Matanda na ang yung dad ko, e, pero it breaks my heart na hindi niya matanggap ‘yung katotohanan.”
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment