Kamakailan lang ay ipinagdiwang ni Willie Revillame ang kanyang ika-60 kaarawan kung saan, tumanggap ito ng kabi-kabilang pagbati mula sa mga kaibigan, katrabaho, at mga kakilala nito sa loob at labas ng industriya.
Kabilang sa mga ito ang ilang mga galing sa Kapamilya network na nakatrabaho o naging malaki ang parte sa buhay ni Willie gaya na lamang nina Coco Martin, Richard Gomez, Aga Muhlach, Randy Santiago, at maging si Charo Santos-Concio.
Dito, matapos na mapanood ang mga pagbati sa kanya ng kanyang mga kaibigan, nagbahagi ng kwento si Willie tungkol sa naturang mga tao at ang ilan sa mga naging parte ng mga ito sa kanyang buhay.
Kabilang sa mga naikwento niya rito ay ang isang pangyayari kung saan, hindi umano makakalimutan ni Willie ang pagiging mapagkumbabang tao sa kanya ni Coco. Noong mga panahong iyon, hindi sila malapit ni Coco at hindi pa umano ito bumibida sa ‘Ang Probinsyano’ ngunit, nagpakumbaa umano ito na magpakilala sa kanya.
“Si Coco Martin, hindi man kami close pero there was a time nasa Tagaytay ako, pumunta ho ‘yan kasama si John Estrada. He went there para sabihing, ‘Kuya Willie, idol ko po kayo’, sabi niya…,” pagbabahagi pa tungkol dito ng host.
Ayon kay Willie, gaya ng iba pang mga mahahalagang parte sa kanyang buhay, hindi niya umano makakalimutan si Coco at ang ipinakita nitong kababaang loob sa kanya. Ani pa ulit nito,
“A humble guy, Coco Martin. Isipin mo, hindi pa siya ‘Ang Probinsyano’ noon pero there was a time gusto lang niya ako ma-meet. Hindi ko makakalimutan ‘yun, Coco, na nagpakumbaba ka sa akin, gusto mo lang ako makilala…
“Gusto mong makita ‘yung bahay ko sa Tagaytay at gagayahin mo ‘yung mga furniture at di ba tinanong mo sa akin kung sino ang nag-garden niyan, nag-landscape?”
Maliban sa kwentong ito tungkol kay Coco ay naibahagi din ni Willie ang tungkol sa naging buhay niya dati kung saan, nakasama niya ang mga personalidad na ito na bumati sa kanya. Tumulong umano ang mga ito sa kanya dati kung saan minsan siyang isang naging sidekick, drummer, at maging isang organizer.
Dagdag kwento ni Willie, hindi niya rin umano makakalimutan si Charo na kumausap sa kanya dati at siya ring unang-una umano na nagbigay sa kaya ng bahay. Pagkukuwento pa nga ni Willie tungkol sa malaking tulong sa kanya ni Charo,
“Noong nakabalik ho ako sa ABS-CBN dati, si Ma’am Charo ang kausap ko, siya lang. Tinanong niya ako, ‘Ano ba ang gusto mo? Willie, magbago ka na. Ano ba ang gusto mo? Gusto mo bang mag-primetime, gustong mag-sitcom?’. Sabi ko, ‘Ma’am Charo, kung babalik po ako, gusto ko noontime’...
“Tapos nagulat ako sabi niya, ‘Sige, ikaw lang mag-isa. Wala kang kasama, maghanap ka ng direktor mo, maghanap ka ng lahat. Ikaw na ang magplano ng gusto mo’...
“Pumunta ako ng opisina niya, sabi niya, ‘O ayan. Pirmahan mo ‘yan, para makabili ka ng bahay’. That was 2005. Binigyan niya ako ng 2 million. ‘O downpayment mo ‘yan’.”
Ayon kay Willie, ang mga taong ito na bumati sa kanya at ang kanilang mga pinagsamahan ay hindi nito makakalimutan. Ani pa nga nito, kayamanan na para sa puso ni Willie ang mga pagbating ito sa kanyang kaarawan.
Source: KAMI
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment