Sunday, February 7, 2021

Vice Ganda sa Tawag ng Tanghalan: “We can produce a Janine Berdin but not another Nora Aunor.”


Ngayong Sabado na ang huling araw ng Huling Tapatan ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime kung saan, maglalaban-laban para sa pinakaminimithing parangal ang mga pinakamagagaling na mang-aawit ngayong season.

Ngunit, ayon kay Vide Ganda, gaano man umano kagagaling ang kanilang mga mang-aawit sa TNT ngayon, hindi umano matatapatan ng mga ito ang nag-iisang Nora Aunor. Si Nora Aunor ay nanalo rin noon sa TNT at naging daan ito sa kanyang karera bilang nag-iisang Superstar.

“I don't think so… I don’t think anyone or any show can produce another Nora Aunor. There can only be one Superstar. Iba iyong Nora Aunor.

"But we can produce a Janine Berdin. We can produce another star, we can produce another amazing star, but not another Nora Aunor,” ani pa rito ni Vice.

Gayunpaman, masaya si Vice na bahagi siya ng pagbuo sa TNT Boys na lubusang nakilala hindi lamang sa Pilipinas kundi internationally din. Kung matatandaan, ang guesting ng TNT Boys noon at pagkanta sa GGV ang dahilan kung bakit nagviral ang mga ito at sumikat. Ani pa nga ni Vice tungkol dito,

“Malaking kasiyahan sa akin iyong feeling ko, malaking part ako ng TNT Boys dati. Kasi, binuo namin iyon sa GGV, e...

“Sa GGV iyon nagsimula, pinagsama-sama namin 'tapos noong umalagwa sila, ang layo ng narating nila, nakapunta silang abroad.


“And actually, iyong pinagawa ko sa kanilang challenge sa GGV na nag-viral, iyon ang naging susi para makita sila abroad at magkaroon sila ng guesting sa mga international shows. Kaya masaya ko roon na naging bahagi ako.”

Samantala, dahil sa bagong setup ngayon ng kanilang programa kung saan, sila-sila lamang ng mga host at contenstants ng TNT ang nasa studio, aminado si Vice na mas napalapit siya ngayon sa mga contestant ng TNT kaysa dati.

Mas naapektuhan na raw ito ngayon sa tuwing mayroong natatanggal dahil nga naging mas malapit na siya sa mga ito. Samantala, aminado naman si Vice na minsan ay may mga pagkakataong hindi raw siya sang-ayon sa hatol ng mga hurado. Ngunit, alam niya naman umano na alam ng mga ito ang kanilang ginagawa at nirerespeto niya ang mga ito lalo na si Punong Hurado Rey Valera na hindi niya raw talaga kayang impluwensyahan ang ginagawang hatol.

“Ito ngang batch nila, kahapon, noong nagmi-meeting kami ng staff, sabi ko sa kanila, 'Ngayon ko lang na-experience ito na na-attach ako sa mga contenders.'

“Siguro kasi, walang audience. Kami-kami lang ang magkasama. Araw-araw ko silang kausap. Iyong alam ko na ang istorya ng buhay nila, naapektuhan talaga ako. Ngayon lang ako umiiyak kapag may natatanggal. Dati, naiimbyerna nga ako kapag may umiiyak. 'Arte-arte naman nito,' may ganun ako.

“Pero ngayon, ako ang umiiyak kasi nadadama ko ang struggle at iyong passion ng lahat ng contenders na, ‘I want this so much. And I need this so much.’ Kasi, kailangang-kailangan nila dahil iyong mga pamilya nila, naghihirap.

“So everyone is special, and and I love everyone so dearly,” kwento pa tungkol dito ni Vice.


Kaugnay nito, aminado rin ang host na espesyal sa kanya ang contestant na si Makki Lucino dahil sa pagiging bahagi nito ng LGBTQ+ Community ngunit, hindi naman umano siya bias dito at pantay pa rin ang kanyang turing sa lahat ng contestant.

“Hindi… lahat sila, special sa akin,” ani pa nga nito.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment