Sunday, February 7, 2021

Isang Basurero sa Angeles City, Nagmistulang Hollywood Actor Matapos Sumailalim sa Makeover


Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media ang tungkol sa nakakamanghang transformation na ito ng isang basurero sa Angeles City. Ikinamangha ng marami ang resulta ng naturang transformation dahil sa ganda ng kinalabasan nito.

Nagmistulang celebrity lang naman ang basurerong si Dennis Pascual mula Angeles City matapos itong sumailalim sa isang full makeover ng hair and make-up artist na si Richard Strandz. Hindi maaaninag ng sinuman na isa palang basurero si Pascual dahil sa gwapo at ganda ng pagkaka-makeover dito ni Strandz.

Matapos itong gupitan at bihisan ay lumitaw ang natural na ganda ng mukha ni Pascual na talaga namang ikinamangha ng nga netizens. Ani ng mga ito, kamukha umano ni Pascual ang ilang mga celebrity hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa Hollywood. Sa photoshoot nga na ginawa rito ni Strandz, aakalain mong isa itong propesyunal na model dahil sa galing at pagiging natural ng kinalabasan ng mga larawan ni Pascual.

Ayon sa maraming mga netizen, isa umano sa mga kamukha nitong lokal na artista ay si Jake Cuenca. Kung hindi man, mukhang ganito umano ang magiging mukha ni Cuenca kapag mas tumanda na ito. Samantala, mayroon ding iba nagsasabi na kamukha rin umano nito si Mayor Isko Moreno na dati ring artista bago pumasok sa pulitika.


Dahil naman sa natural na kakisigan ni Pascual ay marami ang nagsasabi na mayroon umano itong lahi at hindi ito purong Pilipino kaya ganoon na lamang ito kagwapo nang mabihisan kahit na ito’y isang basurero.

Gayunpaman, bukod sa paghanga sa ganda ng kinalabasan ng transformation ni Pascual, masaya rin ang marami dahil kahit papaano ay biyaya din umano ito sa buhay ng basurero dahil mabibigyan ito ng pagkakataon na magkaroon ng ibang trabaho kung saan kikita ito ng mas maayos. Bagama’t wala namang masama sa pagiging isang basurero dahil isa itong marangal na trabaho, masaya pa rin ang mga ito dahil mayroong magandang nangyari sa buhay ni Pascual.


Samantala, ayon naman kay Strandz ay plano raw nitong i-enroll si Pascual sa isang gym upang kahit papaano rin ay mas mapanitili raw nito ang kanyang maayos na pangangatawan.

Heto naman ang ilan sa naging komento at reaksyon ng mga netizen tungkol sa nakakamanghang transformation na ito ni Pascual:

“Sometimes, all we need to do is to give someone compassion, a second chance to rebuild his self. Lack of opportunity sometimes limits us to meet our highest potential. God bless this man. I hope he can find a more decent job.”

“He has an uncanny resemblance of some hollywood actors like Luke Evans, Matt Damon, Antonio Banderas, Jean-Claude Van Damme and Hugh Jackman… Gwapo physically.”


“At least, kung marangal ‘yung trabaho ayos lang iyon. Walang problema maging basurero at hindi dapat iyun ikinakahiya maski saan mang dako tayo nagmula. Saludo ako kay kuya at ngayon ay nasa mabuting kalagayan na siya at may mas maganda na ang trabaho ngayon bilang model. Sana magtuluy-tuloy blessings niya sa future at wag niya itong sayangin.”

“Inferness may dating siya. Pwedeng maging mag-ama sila ni Jake Cuenca sa isang movie… Sana tuloy-tuloy parin ‘yung mga magagandang nangyayari sa buhay niya ngayon. Godbless to him.”

Source: facebook


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment