Saturday, February 6, 2021

Ivana Alawi, Nagsalita Umano ng Hindi Maganda Tungkol Kina Gerald at Derek Ayon kay Lolit Solis!


Hindi napigilan ng marami pati na rin ng manager ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi na magreact tungkol sa inilabas na pahayag ni Lolit Solis kamakailan lang kung saan, isinaad nito na sinabihan umanong ‘dugyot’ at ‘mabaho’ ni Ivana ang mga aktor na sina Derek Ramsay at Gerald Anderson.

Sa nauna nitong Instagram post, ayon kay Lolit ay nabasa niya umano ang tungkol sa balitang ito patungkol sa hindi magandang sinabi ni Ivana sa naturang mga ‘matinee idols’. Ayon sa kilalang kolumnista at host, baka raw hindi alam ng manager ni Ivana ang sinabi nito dahil siguradong hindi naman umano nito hahayaan ang aktres na maging ganito ka -‘harsh’ ang pananalita.

“Nabasa ko rin iyon tungkol sa sinabi ni Ivana Alawi na ayaw niya kila Derek Ramsay at Gerald Anderson dahil mukhang dugyot at mabaho, Salve…

“Bongga si Ivana ha, mga matinee idols na hinahangaan at marami ang nagmamahal, para sa kanya dugyot at wah appeal. Katakot dahil baka itanong ngayon kay Ivana sino ba ang mabango at type niyang lalaki, masagot kaya niya ng buong katotohanan? Sabihin na kaya niya kung sino ang talagang para sa kanya ang dapat lang hangaan dahil mabango at malinis?

“Siguro hindi alam ni Perry Lansingan na manager ni Ivana Alawi ang sinabi nito dahil for sure hindi niya papayagan maging ganito ka harsh ang alaga,” ani pa rito ni Lolit.


Ngunit, sa ikalawang Instagram post nito tungkol sa naturang balita, ayon naman kay Lolit ay tama umano ito dahil hindi raw pala talaga alam ng manager ni Ivana na si Perry Lansingan ang tungkol sa balita.

Ayon naman sa manager ng aktres, hindi umano ito totoo dahil hindi raw ganoong klase ng tao si Ivana at hindi rin umano ito nagsasalita ng ganoon sa isang tao.

Ayon naman kay Lolit, mabuti na lamang din umano ay nalaman sa kanya ng manager ang tungkol sa naturang balita at umaasa rin si Lolit na hindi talaga totoo ang tungkol sa sinabing ito ni Ivana. Ani pa nga nito tungkol dito,

“Sabi ko na hindi alam ng manager ni Ivana Alawi na si Perry ang headline at kumalat na balita na sinabi ng alaga na dugyot at marumi sila Derek Ramsay at Gerald Anderson, Salve. Nag react si Perry dahil hindi daw ganuon si Ivana, never gagamit ng ganuon salita, at never mag look down sa tao…

“Sana nga hindi tutoo dahil imagine mo ang magiging repercussion niyon, na para bang ang dumi at ang baho nila Derek at Gerald eh mga matinee idols ang dalawa. Kung minsan kasi, as managers hindi natin alam kung saan nanggagaling mga balita tungkol sa mga alaga natin, ayaw ko naman isipin na gawa gawa ng sumulat ang lumabas na balita at fake news ang inilabas ng diyaryo…

“Sana nga ay hindi tutoo dahil baka lumabas mga negative reactions eh sabi nga ni Perry at mga followers ni Ivana hindi ganuon ang ugali nito. Good na na point out ko at napansin ni Perry, now baka nalaman na nila why lumabas ang nasabing artikulo.”


Source:  KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment