Wednesday, February 3, 2021

Bagong Vlog ni Crisha Uy Kasama ang Isang Gwapong Vlogger, Kinakiligan ng mga Netizen


Ikinatuwa at kinakiligan ng maraming mga netizen ang bagong vlog na ibinahagi kamakailan ni Crisha Uy kung saan, gumawa ito ng isang challenge kasama ang isang kapwa niya rin vlogger. Dito, sa loob ng isang buong araw ay kailangang kumilos ang dalawa na animo’y mag-jowa.

Sa naturang vlog, mapapanood ang mga ginawa ni Crisha at ng naging jowa nito sa loob ng isang araw na si Coco, o Marlon sa totoong pangalan. Nagpunta ang mga ito sa Pinto Art Museum sa Antipolo kung saan, kumain ang mga ito at pumasyal pasyal.

Habang hinihintay ang pagkain, ilang mga bagay ang napagkwentuhan ng dalawa at kita naman sa mga ito na nag-eenjoy sila na magkasama. Upang maging mas kapani-paniwala pa nga ang kanilang challenge ay pumili pa ang mga ito ng tawagan sa isa’t-isa.

Sa buong challenga, ‘love’ ang naging tawagan ng mga ito sa isa’t-isa. Kita naman na animo’y naninibago si Crisha sa pagkakaroon niya raw ng jowa lalo na sa paghawak ni Coco sa kanyang kamay habang naglalakad-lakad.

Panay rin ang tawanan ng dalawa habang panay din ang pagpapakilig dito ni Coco. Maliban sa pag-iikot ay kumuha rin ng larawan ang mga ito kung saan, kitang ginalingan ni Coco ang pagkuha ng larawan ni Crisha.


“Ang sweet naman. Ganyan ba ‘pag jowa ka,” ang ani pa nga ni Crisha kay Coco nang kunan siya nito ng larawan.

Kaya naman, nang matapos na ang kanilang araw pati na rin ang kanilang jowa challenge, animo’y nagkaroon na ng usapan ang mga ito na muli umanong magkita o magkaroon ng part 2. Biro pa nga rito ni Crisha, imessage lamang daw siya ni Coco tungkol dito.


“Buti naman nag-enjoy ka kasi nag-enjoy din ako. So ayun, sana nag-enjoy din kayo sa aming date,” ang ani naman dito ni Coco.

Samantala, ikinatuwa naman ng maraming mga netizen na makitang masaya ngayon si Crisha at mayroong nagpapasaya rito. Matapos na maging usap-usapan ang tungkol sa pagbabalikan ng dati nitong karelasyon na si Joem Bascon at ni Meryll Soriano, maraming mga netizen ang agad na naalala si Crisha lalo na’t naging bukas ito sa kanyang mga pinagdaanan.

Kaugnay nito, heto ang ilan sa mga ibinahaging komento ng mga netizen tungkol sa jowa challenge ni Crisha at Coco:

“Yieeee ate Crishaaa hoping that in time, he'll become the real meaning of your happiness! I love you, ate Crisha! Stay strong, po.”

“Why not. Both of you look good together and I can see the strong  chemistry. This probably can lead into real life jowa. Happy for you, Crisha…”

“Nice to see how Inday laughs and smiles because of this jowa challenge. But eye is the window of the soul, parang may sadness on her eyes eh... If you look deep. But syempre, road to moving on na mga bisprin! All the best.”


“‘Yung feel ko, kinikilig talaga si guy. You deserve a guy who will assure you that ikaw lang at wala ng iba. Feeling kilig. Nakasmile lang ako the whole video.”

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment