Sa Instagram stories ni Gerald Anderson ibinahagi ng aktor ang maikling video ni Julia Barretto na makikitang ipinagluto ang bagong boyfriend nito ng Samgyupsal.
Matatandaang kamakailan lang nang kinumpirma ni Gerald ang relasyon nito kay Julia sa isang one-on-one na panayam ng ‘King of Talk’ na si Boy Abunda.
Tila ay alam na alam ni Julia ang kasabihang, “The best way to a man’s heart is through his stomach”.
Walang ibang detalye sa ipinakitang video maging ang lokasyon lamang nito kung saan ginanap ito ngunit makikita naman sa video ang nakapaskil na safety guidelines sa bandang likuran ni Julia na nasa “The Th3rd Floor” sila ng gym na siyang sariling pagmamay-ari lang rin ng aktor sa Quezon City.
Marami ang kinilig sa maikling video ng aktor lalo na sa mga sumusubabay na #JuRald fans na tila ay para sa kanila ay isang kilos na nagpapakita na ipinagmamalaki ni Gerald ang bagong girlfriend nito.
Simula nang tuldukan ni Gerald ang usap-usapan ng publiko tungkol sa kanila ni Julia ay nagsimula ding isapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon. Matatandaang unang nag-post ng litrato si Gerald Anderson ni Julia Barretto na sila na noong Marso 10 bilang pagbati nito sa kaarawan ng nobya.
Masaya kung tingnan si Julia sa litratong kinuha sa beach na sinabayan pa ng caption ni Gerald na “Happy birthday” kasama ang isang nakakakilig na hashtag, #youareablessing.
Sa mga kontrobersiyang isinangkot ng aktor noon ay samut-sari ang naging komento ng publiko sa litratong isinapubliko nito ngayon. Marami ang naglabas ng suporta at may iilan naman ang hindi sang-ayon sa bagong relasyon nito.
Mayroong isang komento ang nagbigay diin sa naging hashtag ni Gerald. Sabi nito, “Loko lahat ng babae blessing pero lahat ng babae pinaglalaruan mo so naglalaro ka ng blessing.. kina gwapo mo yan”. May iba naman ang nagsasabing bagay silang dalawa at mapapansin na masaya sila sa kung ano man ang namamagitan sa kanila ngayon.
Unang nag-post naman ng litrato si Julia kasama si Gerald noong Marso 7, tatlong araw bago mag-post si Gerald. Katulad ng unang post ni Gerald sa litrato ni Julia ay nasa beach rin ang litrato nilang dalawa. Mapapansin na talagang magkasama ang dalawa sa dalawang litrato. Nilagyan pa ito ng caption ni Julia bilang pagbati at pasasalamat sa aktor na nagsasabing, “Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU”. Sa litrato makikitang magandang nakangiti si Julia habang hinalikan ito ng akto sa pisngi. Pinusuan naman ito ng mahigit kalahating milyon sa instagram.
Sa social media lalong-lalo na sa Facebook ay ginawang katuwaan naman ang naging post ni Julia kung saan marami ang kumuha ng litrato nila ni Gerald ngunit pinalitan nito ang mukha ni Julia sa kanilang mukha. Marami naman sa kanila ang nagmukhang makatotohanan na hinalikan ito ni Gerald sa pisngi.
May isa pang komento naman ang napansin ng marami nang sabihin nito na sa mga ngiti na nakikita kay Julia at ng aktor ay maaaring sila na nga tinadhana.
Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas nang isinapubliko ni Gerald at Julia ang kanilang relasyon kasabay ang kanilang birthday greetings at appreciation posts nila sa isa’t-sa maging sa mga charity works kung saan ay magkasama sila.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment