Sunday, March 28, 2021

Ivana Alawi, Ibinahagi ang ‘Worst Date Experience’ sa Isang Aktor


Isang linggo na ang nakalipas nang inilabas ni Toni Gonzaga noong March 21 sa youtube channel nito ang isang makwela,  tapat at makabuluhan na pag-uusap kasama ang sikat na vlogger at aktres na si Ivana Alawi bilang pagdiriwang sa Women’s Month sa kanyang Toni Talks. Ang tinutukoy na pag-uusap ay umani ngayon ng mahigit tatlong milyong views.

Sa pag-uusap nalaman ng mga netizen ang tunay na pangalan ni Ivana na Mariam Marbella Al-Alawi. Ibinahagi ni Ivana na hindi nais ng tatay nito ang pumasok siya sa industriya ng showbiz ngunit nalaman kalaunan ni Ivana nang na-ospital ang kanyang ama na ipinagyayabang siya sa mga nakasalamuha nito nang makitang umarte ang anak sa teleseryeng Ang Probinsyano.

“People sometimes they say parang ‘ayyy sexy star ka lang naman, wala ka namang ibang talent’, pero you know when I know myself parang di na ako nagpapaapekto kaya kahit may magsabi sa aking ‘sexy star ka’ parang sometimes people look down at it but being sexy it’s not just the outfits, it’s not about what you wear, it’s your personality, it’s the way you think. Yun! So when people say ‘Ay! Sexy ka, ganun, I take it as a compliment”, sagot ni Ivana nang naitanong siya kung tini-take ba nito bilang compliment ang mga komentong nagsasabing sexy siya.

Sa naging sagot ni Ivana, tila ay hindi lang kagandahan ng katawan at mukha ang kayang ipakita nito kundi pati na din kung paano siya mag-isip.

Sa pagpapatuloy na kanilang usapan ay ibinahagi ni Ivana ang gintong turo ng kanyang ina sa kabila ng paghihiwalayan ng kanyang magulang.

“Ang turo naman sa akin ni mommy is never magtanim ng galit or sama ng loob sa tatay ko kase he’s always gonna be my dad”, ani ni Ivana.


Ibinunyag naman ni Ivana ang ‘first dream’niya na tinawanan muna niya bago sinagot si Toni Gonzaga. Inilahad ni Ivana na noon pa man ay nais niyang maging ‘yaya’ dahil natutuwa ito sa mga ginagawa ng isang kasambahay. Sinabi naman nito na nais na niya ngayong maging dancer at singer dahil sa mga napapanood nito sa telebisyon. Ngunit alam naman daw nito na hindi ito para sa kanya.


“If something doesn’t work for you kailangan mo maghanap ng next goal mo na parang dito na lang magfo-focus. Hindi mo naman pwedeng ipagpilit diba”, makabuluhang pagsasalita ni Ivana.

Ang tinutukoy nitong naging next goal niya ay ang pagiging artista at kalaunan ay ang pagpasok nito sa mundo ng Youtube na ngayon ay di maitatanggi ang tagumpay.

Ibinahagi naman ni Ivana na ang biggest turn off nito sa isang lalaki ay ang pagiging mayabang.

Hindi naman pinalampas ni Toni Gonzaga ang magtanong kung nasa isang romantikong relasyon si Ivana ngayon ngunit pag-aamin ni Ivana ay hindi pa siya taken.

Napag-usapan naman nilang dalawa ang hindi kaaya-ayang karanasan ni Ivana sa pakikipag-date nito sa isang aktor noon.

Pagkukuwento ni Ivana na hindi naging maayos ang date nito noon sa isang aktor dahil nagmura umano ang aktor sa waiter. Naiintindihan naman ni Ivana na nais lamang sigurong magpa-impress ng aktor sa kanya ngunit kay Ivana ay hindi na pala maganda para sa kanya ang ginawa ng aktor. Dahil sa pag-iyak ng waiter nang itoý murahin ay nilapitan niya umano ito at siya na mismo ang humingi ng tawad.


Sa naging pag-uusap nila Ivana at Toni marami ang namangha kay Ivana sa ipinapakita nitong pagiging totoo at tuluyang mas pinuri dahil sa kagandahang hindi lang sa mukha makikita kay Ivana pati na din sa kanyang mga salita at kilos.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment