Trending at pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang mga social media personality at vloggers na sina Jelai Andres at Jon Gutierrez dahil sa bagong kontrobersiya o isyu na kinakasangkutan ng mga ito.
Ito ay matapos ang muli na naman umanong pagtataksil o pambababae ni Jon kay Jelai na minsan na rin nitong ginawa noon. Nito lamang ika-28 ng Marso, isang tweet ng vlogger ang kumuha sa atensyon ng marami na animo’y tungkol sa pinagdaraaanan ngayon ni Jelai.
“ANG LASINGERO PWEDE PA MAGBAGO PERO ANG SOBRANG BABAERO, LALAKING DI NATUTUTO AT WALANG AWA EH MALABO PA SA USOK NA BLUE…
“Don't underestimate the power of a private investigator. Spell evidence!!!!” ang makahulugang tweet pa ni Jelai.
Matapos nito ay sunod-sunod na ang mga inilabas na pahayag ng vlogger tungkol sa muling pagtataksil sa kanya ni Jon Gutierrez. Dito, inilabas ni Jelai ang kanyang saloobin tungkol sa natuklasang pambababae na naman ng kanyang asawa at sa kabit nito. Ani pa nito,
“Bat sakin nyo hinahanap si king kups at ako pa ang iba bash nyo ng sobra. Bat di nyo itanong sa babae nyang selosa aawayin pako porket nag message ako e may itatanong lang naman ako sa asawa ko…
“So now ko lang nalaman July papala!nuknukan ka ng tangaJelai!Masmahal mopa kesa sasarili mo un asawa mong maypa libreng condo,iphone etc sakabit. Kya pala un pkrmdm prng ako n un kabit e.Comeback na tyo ng lockin taping.Kso ndepress pla si kabit naawa siking kups.Sakin dka naawa?
“At lahat ng kasama mo sa bahay alam kasi lagi mo palang dinadala sainyo!Ambabait ko sainyong lahat. Kaya pala hndi ako kumportable pagksama ko kayo lahat kasi lahat kyotntraydor ako. Kinikilig kilig pa kayo samin kuno.Ako naman si tanga kinikilig din! Awit! Nakakapanliit sobra!”
Kaugnay nito, tila mayroon ding inihayag na reaksyon ang kanilang mga kapwa vlogger tungkol sa pinagdaraanan ng dalawa.
Bagama’t hindi direkta, mayroong inilabas na pahayag si Jayzam Manabat tungkol sa isyung ito nina Jelai at Jon. Dito, inihayag ni Jayzam ang tungkol umano sa paglalabas ng problema sa social media.
“Di na talaga uso ngayon ‘yung nag-aayos ng problema sa chat/text or call. Dapat lagi nang nakabroadcast. Naknamputs,” ani pa rito ni Jayzam.
Samantala, maging si Skusta Clee ay animo’y mayroon ding patama tungkol pa rin sa isyung ito kay Jon. Dito, bagama’t hindi rin direkta ay inihayag ni Skusta ang umano’y paulit-ulit na lamang na mga pangyayari. Ani pa nito,
“Heto na naman tayo… Suggest nga kayo movie sa netflix paulit-ulit nalang mga palabas na nakikita ko eh.”
Ngunit, hindi pinalampas ni Jon ang pahayag na ito ni Skusta na halatang para raw sa kanya. Sagot pa nga rito ni Jon,
“Lakas magsalita.”
Maliban dito, naglabas din ng pahayag si Jon tungkol daw sa kanilang isyu na dapat daw ay inaayos ‘pivately’. Ngunit, hindi rin pinalampas ni Jelai ang pahayag na ito ng asawa at sarkastiko itong pinatamaan sa isa pang tweet o pahayag.
“Oh ngayon alam mo na yung salitang "fixed" at "asawa". "Privately"??? Ahhh privately katulad ng kababuyan mo. Awit,” ang ani pa ulit dito ni Jelai.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment