Saturday, March 27, 2021

Jelai Andres, Muling Niloko ng Asawang si Jon Gutierrez


Ilang beses nang umabot sa social media ang on at off na relasyon ng isang kilalang vlogger na si Jelai Andres at ng asawa nitong si Jon Gutierrez na ngayon ay ibinalita ng pamilya ni Jelai na niloko na naman siya nito at may ibang babae na naman.

Ibinahagi ni Queenie Marasigan Catibog ang mga screenshot ng mga post ni Jelai ngayon sa kanyang twitter account. Dito inilabas ng vlogger ang pagkakadismaya nito sa asawang paulit-ulit nang pinatawad ngunit paulit-ulit namang nagloloko.

“Ang lasingero pwede pa magbago pero ang sobrang babaero, lalaking di natututo at walang awa eh Malabo pa sa usok na blue. Don’t underestimate the power of a private investigator. Spell evidence!!!”, paglalabas loob ni Jelai.

Hindi naman mapigilan ng ng pamilya ni Jelai ang magsalita na at ipagtanggol siya kung kaya ay inihayag ng kapatid nitong si Candy Andres Monroe ang galit nito kay Jon.


“Pag nag kasakit ka wag ka hihingi ng tulong sa family naming ha, mag patulonh ka sa babae mo na pinakatago tago mo kala mo naman hindi naming malalaman. Sorry ka. O baka iwanan ka na naman tapos samin ka bumalik. Ihahagis talaga kita palabas sa pinto may kasama pang double kick! Wag na wag moko matatawag na ate chichinelasin ko yang muka mo. Yuckkkkkk! #game”, ani ni Candy sa isang post na ibinahagi naman ni Jelai na tila ay sumasang-ayon sa kanyang kapatid.

Nagsalita naman si Jelai laban sa mga taong nagba-bash sa kanya ngayon na nagmumukhang pumapanig kay Jon. Pinagsabihan niya ito na mas mabuting si Jon mismo ang kanilang hanapin at magtanong sa bagong babae nito na inilarawan pa niyang selosa. Pagbabahagi ni Jelai na sinubukan niyang mag-message sa babae dahil may itatanong lang naman daw siya ngunit pa siya ang inaway nito.


“Hindi pwedeng ako lagi ang sasalo sa mga bintang at kasalanan ng hindi ako ang gumagawa ah. Pagod nako ng hindi lumalaban! Tigilan nyo kakagawa ng story sakin at sa kaibigan kong matagal na, kilala yan ng mga Miloves ko”, dagdag ni Jelai.


Nagmumukhang sa pagkakataong ito ayaw nang magpakamartir ni Jelai.

“Oh ngayon alam mo na yung salitang “fixed”at “asawa”. “Privately”??? Ahhh privately katulad ng kababuyan mo. Awit”, sarkastikong pagsasalita ni Jelai.

Ibinahagi naman ni Jelai ang kanyang napagtanto sa hindi matapos-tapos na pagloloko sa kanya ng kanyang asawa.

“Ano to ate Jelai? Pagdurusa porlayp? Puro malasakit, pagmamahal pagpapatawad, pagtulong pagaalaga tapos kapalit pagdurusa, abused at pagttraydor. Comeback na nun bago matapos lock in taping e excited pa naman ako sa CB reveal natin kaso wala kang awa sakin!”, pagtatanong ni Jelai sa kanyang sarili.

Ibinahagi ni Jelai na sa buwang July noong nakaraang taon pa pala nagsimula ang relasyon ng asawa nitong si Jon sa ibang babae na lumalabas na mas mahal ni Jon dahil binigyan niya ito ng libreng condo unit at iphone kesa sa sarili nitong asawang si Jelai.

Panigurado ni Jelai na alam ng mga kasama sa bahay ni Jon ang pinangagawa nito sa kanya dahil lagi niya umano dinadala sa bahay nito ang babaeng maituturing na kabit.


“At lahat ng kasama mo sa bahay alam kasi lagi mo palang dinadala sainyo! Ambabait ko sa inyong lahat. Kaya pala hindi ako kumportable pagkasama ko kayo lahat kasi lahat kayo tinatraydor ako. Kinikilig kilig pa kayo samin kuno. Ako naman si tanga kinikilig din! Awit! Nakakapanlitt sobra!”, dagdag ni Jelai.


Marami naman ang naglabas ng suporta para kay Jelai at nagalit sa asawa nitong maraming beses nang napatunayan na nagloko.

Komento ng isang netizen, “AWIT HAHAHAHAHA PAG BABAERO AT CHEATER DI NA TALAGA MAGBABAGO HAHAHAHA”, na tila sumasang-ayon sa posts ng vlogger.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment