Ayon sa iilang media sources na malapit sa kilalang Thai actor na si Mario Maurer ay inihayag umano ng kampo nito na nawalan ng maraming proyekto ang aktor nang simulang nagkaroon ng ugnayan sa pagitan nilang dalawa ng isang komedyante sa Kapamilya network na si Kakai Bautista.
Isang direktang mensahe ang ipinarating naman ng tinutukoy na media sources sa Philstar.com na ayaw na umano ng Thai fans ng aktor na makakita ng mga larawan nito kung saan kasama si Kakai.
Ayon sa ibinalita na nabawasan ang endorsement opportunities ng aktor dahil dito.
“We had massive inquiries in 2013-14 cancelled because of being linked to Kakai," ayon sa ibinalita ng sources.
Isang forwarded copy naman ang natanggap ng Philstar.com ng kontrobersiyal na demand letter galing sa kampo ng aktor na ipinadala sa management ni Kakai, Artists Gallery Management na pinirmahan ng legal counsel ng management ng aktor, Kwaonhar Nine Nine Co., Ltd., kung saan may nakasabing “Demanding to Cease, Desist and Refrain from further use and reference of the name of Mario Maurer.”
“We have been informed of unauthorized use of Mario Maurer name by several events, and it has come to our attention that your talent, Catherine ‘Kakai’ Bautista is the person who continues to use the name of Mario Maurer to attach to herself without consent nor knowledge. Moreover, not only Mario Maurer name but also make the false statement in related to Mario Maurer’s manager,” laman –laman ng nasabing demand letter.
Tila ay hindi nagustuhan ng management ng aktor ang pagbabanggit ni Kakai sa pangalan nito at pagbabahagi ng mga litrato na magkasama ang dalawa. Batay sa naging laman ng demand letter na isang pagsasamantala ang patuloy na pagbabanggit ng komedyante kay Mario ng walang pahintulot at tanging paraan lamang umano ni Kakai upang makakuha ng atensyon. Maliban dito isa sa mga nasasabing dahilan ng kampo ay ang nang ipinasuri nito sa aktor ang mga pahayag ni Kakai na may kinalaman sa aktor kung may katotohanan nga ba o hindi.
Ayon sa talent agency nito na mismo si Mario Maurer na ang nagsabing may mga pahayag ang komedyante na walang katotohanan at gawa-gawa lamang.
“By so using the name of our talent, Catherine ‘Kakai’ Bautista is improperly exploiting the name, image and reputation of Mario Maurer and his manager, and may be violating existing laws of the Republic of the Philippines and the Kingdom of Thailand. Cease and Desist and Refrain from any further use of the name of Mario Maurer and his manager, or any reference to him, directly or indirectly, including but not limited to the uses described hereinabove,” dagdag na pahayag ng kampo ng aktor.
Sa ngayon wala pang inilabas na pahayag ang aktres ukol sa kontrobersiyang kinasasangkutan.
Ayon naman sa sources na walang kahit anong mensaheng sinabi at naging sagot ang komedyante sa kanila sa kabila ng inaasahan nila na maaaring alam na alam na ni Kakai ang kanilang lantad na apela na ngayon ay nasa mga balita.
Matatandaan na unang nagkasama at nagkaroon ng tambalan ang dalawa sa isang romantic comedy noong 2012 sa pelikulang “Suddenly It’s Magic” kasama ang isang pang Kapamilya actress na si Erich Gonzales.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment